LESSON 07- Always The Second Best

2.8K 147 18
                                    

“OLIVE, hindi ka muna papasok sa school ngayon.” Napahinto si Olive sa paglabas ng kanilang bahay sa sinabing iyon ng Daddy Leo niya. Tumingin siya dito habang nakaupo ito sa sofa at nakatutok ang mata sa telebisyon. “Pupunta tayo ngayon sa NBI para sa mga hayop na may kagagawan ng video mo sa social media. Magpapatulong na rin tayo para imbestigahan kung sino ba iyong dalawang lalaki na… na… bumastos sa iyo sa video.”

Paano ba niya sasabihin dito na patay na ang dalawang lalaking iyon? Si Dustin lang naman ang pinaghihinalaan niya at iyong tinawag nitong ‘Kris’ dahil ang dalawa ang huli niyang nakasama bago siya nawalan ng ulirat. Saka sa masusing panonood niya sa video, kahit pa hindi kita ang mukha ni Dustin ay nakilala niya ito base sa bulto ng katawan at taas nito.

“Olive, you can’t say no—”

“Patay na po sila, daddy.” Mabilis niyang sagot. Siguro ay dapat na niyang aminin sa mga ito ang kaniyang hinala at nalalaman.

Kumunot ang noo nito sabay tayo. “Anong sinabi mo? Tama ba? Patay na? Who?” May pagtatakang lumapit ito sa kaniya.

“Iyong dalawang lalaki na nasa video… sila din po iyong lalaki na pinatay sa bahay ng kaklase kong si Courtney Guevarra.”

“Totoo ba ang sinasabi mo?”

Tumango si Olive. “Opo. Kaya sana ay huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa video at pagsasampa ng kaso. Ang gusto ko na lang pong gawin ay kalimutan ang parteng iyon ng aking buhay. Bugbog na po ako sa pamba-bash sa social media. Baka mas lalo nila akong putaktihin kapag nagsampa pa tayo ng kaso.” Pinilit niyang patatagin ang kaniyang pagsasalita para hindi nito mahalata na gusto na niyang maiyak habang binibitawan ang mga salitang iyon.

“Olive…”

“Papasok na po ako, daddy. 'Wag kayong mag-alala sa akin. Magiging okay din po ako.” Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya bago siya tumalikod at tuluyang naglakad palabas ng kanilang bahay. Kailangan niyang umalis na dahil hindi na niya kayang pigilan pa ang luhang nagbabadyang kumawala sa kaniyang mga mata.

-----ooo-----

NAKATANAW si Israel sa kalawakan ng Wellington High habang nasa rooftop ng school building. Mula doon ay kita niya sa ibaba ang mga estudyanteng may kaniya-kaniyang ginagawa. Wala silang first subject ngayon dahil absent ang kanilang adviser na si Teacher Alona. Naka-leave ito dahil kailangan daw magbantay sa may sakit na nanay. Iyon ang narinig niya.

Nagulat siya nang may biglang tumakip na mga kamay sa kaniyang mata.

Napangiti si Israel dahil alam niyang si Olive iyon. Pagkagising niya kanina ay tinext niya ang nobya na magkita sila dito sa rooftop. Monthsary kasi nila ngayon at may ibibigay siya ditong chocolates.

“Olive. Alam kong ikaw iyan,” aniya sabay hawak sa mga kamay sa kaniyang mata.

“Seriously?! For sure, mas malambot ang kamay ko sa babaeng iyon.”

May inis na humarap si Israel nang magsalita ang tao sa likuran. Hindi iyon si Olive kundi si Dominique. Nakasimangot ito ngunit agad na ngumiti.

“Na-surprise ka ba, babe?” tanong ni Dominique.

“Don’t call me babe—”

“But iyan ang tawagan natin. Babe.” Talagang ipinagdiinan pa nito.

“Iyon ay noong tayo pa. Pero matagal na tayong tapos. Tama na ang ilusyon. Gumising ka na. Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na babalikan pa kita?”

“Ang dami mo namang nasabi!” Maarte nitong itinirik ang mga mata. “Gusto lang naman kitang makita. I want to know kung okay ka lang after na malaman mong nakikipag-sex si Olive sa ibang lalaki. Two boys to be exact.”

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon