LESSON 20- Cancelledt

2.2K 142 17
                                    


MAS nilakihan ni Dominique ang kaniyang mga hakbang nang makita niya sina Jazzy, Yasmine at Camila na nakaupo sa isang bench na nasa ilalim ng mayabong at malaking puno sa school. Napansin niya na umiiyak si Yasmine. Habang papalapit siya sa mga kaibigan ay naririnig niya ang hikbi nito. Kinabig pa ito ni Jazzy at niyakap.

Walang sabi-sabi. Pagkalapit niya ay hinablot siya sa buhok si Yasmine at marahas itong hinila. Nakawala ito sa pagkakayakap ni Jazzy kaya nagkaroon pa siya ng pagkakataon na sampalin ito ng dalawang beses.

“I will kill you, bitch!!!” sigaw niya.

Mabilis na umawat si Jazzy na halata sa mukha ang pagkabigla. “What the fuck, Dominique?! Bakit mo sinaktan si Yasmine?!” Malakas na tanong ni Jazzy.

Tumiim ang bagang ni Dominique. Naikuyom niya ang dalawang kamay dahil sa sobrang gigil at galit na lumulukob sa kaniya. “That plastic bitch! She ruined everything!” Akala mo ay isang halimaw na bulyaw niya.

“A-ano bang sinasabi mo? Wala akong alam sa sinasabi mo—”

“Shut the fuck up, Yasmine!” Inilabas niya ang cellphone at ipinagduldulan iyon sa mukha nito. “What is this?! What is this?!”

Kinuha ni Jazzy ang cellphone niya at tiningnan ang nasa screen niyon. “OMG… Yasmine, number one ka sa Mirror!” gulat nitong bulalas.

Tumang-tango siya habang matalim ang tingin sa umiiyak na si Yasmine. “See? Traydor!” bulalas pa ni Dominique.

Sirang-sira agad ang umaga niya. Pagka-gising niya ay ang listahan ng Mirror ang una niyang tiningnan at hindi siya makapaniwala na si Yasmine ang nangunguna at pangalawa siya. Nasa pangatlo si Jazzy, kasunod si Camila at nasa ikalima si Olive.

Masaya na sana siya na malapit nang maalis si Olive sa Mirror pero para siyang sinampal nang talunin siya ni Yasmine. Hindi lingid sa kaalaman niya na gumanda lang ito dahil sa mga pinagawa nito. Lahat dito ay peke, lahat ay ipinaayos sa mga doktor.

“Yes! Natalo ko na si Olive!” singit ni Camila habang hawak ang sariling cellphone. “Ibig bang sabihin ay mas maganda na ako sa kaniya?”

Walang pumansin dito. Wala siya sa mood para pagalitan ang pagiging bobo ni Camila. Mas gusto niyang pagbuhusan ng atensiyon si Yasmine at kung paanong nangyaring natalo siya nito.

“Magkano ang ibinayad mo sa admin ng website ng school?! I didn’t know na may ambisyon ka palang talunin ako sa Mirror, fake bitch! Traydor ka!” akusa ni Dominique.

Hahablutin niya sanang muli ito sa buhok pero tinabig ni Jazzy ang kamay niya. Mas lalong nag-init ang ulo niya sa ginawa nito.

“Ah! Kinakalaban mo na ako, Jazzy?!”

“No, Dominique! Parang alam ko na kasi kung bakit marami ang nag-vote kay Yasmine sa Mirror. It’s because her old videos and pictures are circulating in social media.”

“What do you mean?” Kumunot ang noo niya. Wala siyang ideya sa sinabi ni Jazzy.

“May nagpapakalat ng pictures and videos ni Jazzy noong mataba at pangit pa siya. Madami ang namba-bash sa kaniya dahil sa fake daw siya at retokada! Hindi mo ba alam?”

Umiling siya. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Jazzy na akala mo ay namatayan ito.

“I don’t care, Jazzy! I will not accept the fact na natalo ako ng isang fake bitch sa number one spot sa Mirror!” Imbes na manaig ang awa para sa kaibigan ay mas nangibabaw ang galit niya.

Mahalaga para sa kaniya ang number one spot sa Mirror. Ilang taon niya iyong pinangarap ngunit para bang sinasadya na ipagdamot iyon sa kaniya. Tila sinasabi ng lahat na hindi pa sapat ang kagandahan, kasikatan at kayamanan niya para mapunta sa inaasam na spot. Lahat na ginawa niya. Namigay siya ng kung anu-ano sa mga estudyante ng Wellington High pero lahat ng iyon ay hindi umubra. Palagi siyang pangalawa!

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon