LESSON 22- Mind-Boggling Death

2.5K 142 49
                                    


“IS THIS serious, Camila?! Two out of fifty items?!” Dumadagundong ang malaki at malakas na boses ng mommy ni Camila sa kabuuan ng kanilang salas.

Kakauwi lang niya mula sa school at excited siyang ipinakita ang exam nila para sa subject na Values kahit pa nakapababa ng score ang nakuha niya. Ngunit nawala ang excitement niya nang magalit ang mommy niya sa ipinakita niya.

“P-pero hindi po ba zero ang nakuha ko sa exam last month, mommy? I am improving na. Look, I got two correct answers. Hindi ka ba masaya, mommy?” Pinipilit ni Camila na pagaanin ang loob ng mommy niya sa kaniya.

Ang buong akala niya ay matutuwa ito. Nagkamali pala siya.

“Paano ako magiging masaya? Two correct answers? This is fucking Values, Camila! For God’s sake!” Tiningnan nito nang maigi ang test paper. “And you’re proud sa dalawang tama mo? E, nagkaroon ka lang pala ng two points dito dahil sa bonus! Kahit kailan talaga ay ang bobo mo, Camila!” Kinuyumos nito ang papel at ibinato sa mukha niya.

Naiinis na iniwan siya nito sa salas at umakyat sa itaas.

Hindi napigilang umiyak ni Camila. Yumukod siya para pulutin ang test paper. Inayos niya iyon habang humihikbi. “But still… two points pa rin ito…” bulong niya.

Nang ipakita niya iyon kina Jazzy at Yasmine ay natuwa ang dalawa. Ang mga ito rin ang nagsabi na nag-iimprove na siya. Tapos sarili niyang nanay ay hindi magawang matuwa para sa kaniya. Ginawa naman niya ang lahat. Nag-review siya. Sadyang nahihirapan talaga ang utak niya sa pag-memorya.

Napansin din niya na tila nagbago na sina Jazzy at Yasmine simula ng hindi na nila nakakasama si Dominique. Hindi na siya tinatawag ng dalawa na “dumb bitch”. Mukhang nahahawa lang ang dalawa kay Dominique ng pagtawag ng ganoon sa kaniya.

Bagsak ang balikat na nagtungo siya sa kaniyang kwarto. Umupo siya sa kama na sisinghap-singhap. Tinitigan niya ang test paper na malala ang gusot.

Bakit ba kasi umasa pa siya na matutuwa ang mommy niya sa kaniya? Mula pagkabata ay mainit na ang dugo nito sa kaniya dahil sa bobo siya. Malaki daw siyang kahihiyaan sa pamilya nila. Siguro, kung ampon siya ay maiintindihan niya kung paano siya nito tratuhin pero hindi, e. Galing siya dito. Dugo’t laman siya nito.

Nakaramdam ng labis na awa si Camila sa sarili kaya mas tumindi ang pag-iyak niya.

Naiinggit siya sa mga kaklase niya na mahal na mahal ng mga magulang nito dahil hindi niya iyon naaranasan. Sa tuwing may family day sa school noong elementary siya ay yaya at driver ang uma-attend na kasama siya. Nahihiya kasi ang mommy niya na malaman ng iba na may anak itong bobo.

“Kailan mo ba ako ituturing na anak mo, mommy?” tanong ni Camila.

Tao lang siya. Nasasaktan din siya. Napapagod. At pagod na siya sa kung paano siya tratuhin ng sarili niyang ina. May nag-uudyok sa kaniya na tapusin na niya ang lahat. May sumisigaw sa utak niya na mas mabuti kung mawala na siya.

Baka kapag nawala ako ay magiging masaya na si mommy dahil mawawala na ang anak niyang bobo… bulong niya sa sarili.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Gamit ang kamay ay pinunasan niya ang luha sa mga mata. Lumabas siya ng kwarto at kumuha ng lubid sa storage room. Muli siyang bumalik sa kaniyang kwarto. Kinuha niya ang isang monoblock chair at itinapat iyon sa may ceiling fan. Tumungtong siya sa upuan para maitali sa pinagkakabitan ng ceiling fan ang lubid. Pagkatapos ay itinali niya ang kabilang dulo ng lubid sa leeg.

Ito na siguro ang pinaka tamang bagay na gagawin niya para sa mommy niya—ang magpakamatay!

“Goodbye, mommy. Kahit hindi mo ako love ay love pa rin kita…” Malungkot na bulong ni Camila habang may luhang naglalandas sa kaniyang pisngi.


School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon