LESSON 05- Goodbye, Queen Bitch!

2.9K 156 15
                                    




“COURTNEY Guevarra is dead! Natagpuang walang buhay ang nag-iisang anak ng mayamang mag-asawa na Guevarra sa mansion nila sa Calamba, Laguna. Tadtad ng saksak ang buong mukha ng dalagita at may isang saksak din siya sa kaniyang pagkababae. Bukod kay Courtney ay natagpuan din sa kanilang bahay ang pugot na ulo ng nobyo ng dalagita at ang kaibigan nitong lalaki. Sa kasalukuyan ay nire-review pa ng mulisya ang kuha ng CCTV sa bahay ng mga Guevarra upang malaman kung sino ang responsable sa karumal-dumal na pagpatay! Ako po si Fatima Natividad—reporting!”

Ilang segundo din na nakatulala si Olive sa telebisyon matapos niyang mapanood ang isang flash report. Papasok na sana siya sa school nang umagang iyon nang maulinigan niya ang pangalan ni Courtney.

Patay na si Courtney? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Labis siyang nabigla sa balitang iyon.

“O, anak, bakit hindi ka pa pumapasok? Hindi ka pa ba nabigyan ng baon ng daddy mo?” untag ng Daddy Leo niya.

“D-daddy?” May pagtatakang tiningnan siya nito.

“Yes. Ako nga ito. Bakit? Anong akala mo? Si Liza Soberano?” biro nito pero hindi niya magawang matawa. Nakatulala pa rin siya. “Olive, bakit tulala ka diyan? What happened ba?” Pumitik pa ito sa harapan ng mukha niya.

“I-iyong classmate ko po kasi… patay na. Si Courtney Guevarra!”

“OMG! Iyong bully na nagpakalat ng video mo habang nilulublob ka sa inodoro? 'Buti nga sa kaniya! She deserved that!”

“Daddy!” Hindi makapaniwalang saway ni Olive.

“Joke lang! I mean, she’s bad pero ang bata pa niya para mamatay.” Balewala nitong sabi. “Anyway, una-una lang iyan, anak. Kaya mag-iingat ka palagi. Huwag ka nang ma-sad diyan. Focus ka na lang sa studies mo. Sige na. Baon ba? Meron ka na?”

“M-meron na po. Papasok na po ako sa school, daddy.” Niyakap niya ito at umalis na siya papunta sa school.

Habang lulan ng jeep ay nakatulala pa rin si Olive. Oo, tama ang daddy niya na bully si Courtney at grabe ang ginawa nito sa kaniya noon pero hindi niya ikakatuwa kung mamatay ito. Lalo na sa isang kalunus-lunos na kamatayan.

Pagdating sa Wellington High ay inasahan na niya ang pagkakagulo ng mga estudyante doon. Habang tinatahak ang corridor ay puro tungkol kay Courtney ang nauulinigan niyang usapan.

“My God! Pinatay pala si Courtney last night! Poor girl! Siya pa naman ang queen bitch ng Wellington High!”

“I know! Pero siya ang number one palagi sa Mirror, right? Paano na iyon?”

Ang tinutukoy na Mirror ng babaeng nagsalita ay makikita sa official website ng Wellington High. Listahan iyon ng top five na pinaka sikat at magandang babae sa kanilang school. Nagkakaroon ng botohan tuwing Sunday night at kung sino ang may pinaka maraming boto ay malalagay sa Mirror. Sa kasalukuyan ay ang limang babae sa Royals ang kasama sa top five. Una si Courtney, kasunod si Dominique at nagpapalitan ng pwesto sina Yasmine, Camila at Jazzy sa huling tatlong pwesto.

“Well, she deserved that! She’s a bully!”

Napahinto si Olive sa paglalakad nang marinig ang sinabing iyon ng isa sa mga babae na nag-uusap sa corridor. “Excuse me? Anong sinabi mo?” tanong niya.

“Me? A-anong sinabi ko?”

“Oo.”

“Ang sabi ko, deserved ni Courtney ang mamatay because bully siya.”

“Hindi kita kilala pero hindi mo dapat sinasabi iyan. Walang kahit na sino ang deserved na mamatay sa ganoong paraan!” Hindi niya napigilan ang makapagsalita ng ganoon dahil sa inis niya. Mabilis siyang tumalikod at naglakad na papunta sa kanilang classroom.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon