LESSON 19- The Viral Girls

2.7K 145 23
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










MAG-ISA sa rooftop ng lumang school building si Olive. Nasa gilid siya at nakatuon ang dalawang kamay sa railings. Nakatanaw siya sa ibaba at pinapanood ang mga ginagawa ng kapwa niya estudyante. Karamihan ay naglalakad habang ang iba ay nakaupo sa kung saan. Ngunit ang atensiyon niya ay wala doon dahil okupado ang utak niya sa nangyari kanina.

Hindi maalis sa isipan niya ang pagtawag sa kaniya ni Mrs. Madrigal sa pangalang Olivia. Parang takot na takot pa nga ito nang makita siya. Halos magkandarapa ito sa paglayo sa kaniya.

“Bakit niya kaya ako tinawag na Olivia?” Mahinang tanong ni Olive.

“Sinabi ko naman kasi sa iyo na marami ang magugulat sa maikli mong buhok!” Bahagya siyang napapitlag nang marinig sa likuran niya ang boses ni Helga.

Paglingon niya ay papalapit ito sa kaniya.

Tumabi ito sa kaniya at ngumiti. “Kamukha mo kasi talaga si Olivia dahil sa gupit mo kaya nagugulat sa iyo ang mga taong kilala siya.” Mahina itong tumawa.

“Pero bakit takot na takot si Mrs. Madrigal nang ang akala niya ay si Olivia ako?”

“Alam niya siguro ang kwento ni Olivia. Malaki kasi ang pagkukulang ng paaralan na ito kay Olivia. Binully siya, nagpakamatay pero walang ginawa ang pamunuan ng paaralan para mapanagot ang mga estudyanteng nagtulak kay Olivia para magpatiwakal. Kailangan pang kumilos ng nanay ni Olivia at ng nobyo niya para maipaghiganti siya!”

“Nagtataka na ako sa iyo. Bakit alam mo ang lahat ng tungkol kay Olivia Penelope? Kaano-ano mo ba siya? May koneksiyon ka ba sa kaniya?” Hindi na niya naiwasang magtanong ng ganoon kay Helga. Sadyang kataka-taka naman talaga na alam nito ang nangyari kay Olivia Penelope na para bang nandoon ito sa panahon na buhay pa ang babaeng iyon.

Malakas at nakakalokong tumawa si Helga. “Wala ako sa panahon na iyon sa buhay niya pero marami akong alam tungkol sa kaniya.” Sinundan nito iyon ng paghinga ng malalim. “Sa ating dalawa, ikaw ang dapat na mas maraming alam tungkol sa kaniya—kay Olivia Penelope.”

“Bakit ako? Hindi ko nga malalaman ang pangalan niya kung hindi ko narinig noon. Ano bang sinasabi mo?”

“Hindi pa ito ang oras para magsalita ako. Isa pa, may tamang mga tao para magsabi sa iyo. Oo nga pala, iiwanan na kita dito. Nagugutom kasi ako. Gusto kong kumain muna. Paalam!” Isang makahulugang ngiti ang iniwan ni Helga sa kaniya bago ito tuluyang umalis.


-----ooo-----


MALAKAS na bumukas ang pinto ng maganda at malaking kwarto ni Yasmine ng umagang iyon. Nakatalukbong siya ng kumot at nakabaluktot sa kama habang umiiyak kaya wala siyang ideya kung sino ang nagmamay-ari ng mga yabag ng sapatos na papalapit sa kaniya.

Nagulat siya nang may humablot sa kumot niya kaya nawala iyon sa katawan niya.

“Yasmine! Why are you still here at hindi ka pa nakabihis? Paalis na kami ng daddy mo. Paano ka namin maihahatid sa school kung nakasuot ka pa ng pantulog mo?!” bulyaw ng mommy niya sa kaniya. Sa bihis nito ay alam niyang papasok na ito sa trabaho.

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon