LESSON 29- Beauty Is Only Skin Deep

2.2K 128 21
                                    






“PAKAWALAN ninyo ako dito! Hayop kayo! Help!!!” Halos mapaos na si Yasmine sa kakasigaw.

Mula sa clinic ng kaniyang dermatologist ay isinakay siya ng isang babae sa kulay itim na van. Halos isang oras din silang bumyahe hanggang sa makarating sila sa mala-mansion na bahay.

Hindi pa rin niya magawang igalaw ang sariling katawan kaya walang kahirap-hirap na naipasok siya doon ng dalawang lalaki at dinala sa tila basement. Dumaan sila sa isang pinto at bumaba ng hagdan.

Ngayon ay nakahiga siya sa isang operating table. May isang surgical light sa may ulunan niya. Kanina pa siya nasisilaw sa liwanag niyon. Pinalitan ang suot niya ng hospital gown. Sa ilalim niyon ay wala siyang kahit na anong panloob. Wala siyang nagawa nang palitan ng mga lalaki ang damit niya kanina niyon.

May isang malaking tanke sa paanan niya na sa taas ay may maliliit na tubong nakakabit. Wala siyang ideya kung ano iyon.

May strap sa dibdib, tiyan, binti at paa ni Yasmine. Iyon ang pumipigil sa kaniya para makagalaw. Bukod doon ay naka-posas din ang magkabilang kamay niya sa handle ng hospital bed sa gilid kaya kahit nakakagalaw na siya ay hindi pa rin siya makakatakas. Sa hitsura at ayos niya ay parang isang malaking operasyon ang gagawin sa kaniya.

“If you’re going to kill me, just kill me now! I am not afraid to die!” Napuno na si Yasmine nang walang sumasagot sa pagsigaw niya.

Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat niya at may dalawang tao ang pumasok. Kapwa nakasuot ng face mask at lab gown ang mga ito. Alam niyang babae ang isa at lalaki ang isa pa base sa hugis ng pangangatawan ng mga ito.

Doktor ba ang dalawang iyon? Bakit ganoon ang ayos ng mga ito?

“Madali ang mamatay. Ang mahirap ay kung paano.” Inalis ng babae ang suot nitong face mask at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ni Yasmine nang makilala niya ito. “Nasorpresa ka ba, fake bitch?” Nang-aasar nitong tanong. Nasa kaliwa niya ito habang ang kasama nitong lalaki ay sa kanan.

“H-helga? Y-you?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “What is this? Anong gagawin ninyo sa akin? Bakit ako nandito? Do you want money? Just call my mommy or daddy! Tell me! Bilisan niyo na! Gusto ko nang umuwi!” Dire-diretso at natatarantang turan ni Yasmine. Wala kasi talaga siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Talagang nagulat din siya nang malaman na si Helga ang dumukot sa kaniya. Baka gaganti ito sa kaniya dahil sa pambu-bully niya sa kaibigan nitong si Olive. Pero ganito talaga katindi ang pagganti nito? Kailangan pa talaga siyang dukutin at dalhin sa ganitong uri ng lugar na hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas naroroon.

“Hindi pera ang kailangan namin.” Napatingin si Yasmine sa lalaki nang ito na ang magsalita. Tinanggal din nito ang face mask at sa pangalawang pagkakataon ay nagulat siya dahil kilala niya rin ito. Walang iba kundi si Teacher Noah!

“A-anong atraso ko sa iyo?! Wala akong natatandaang may nagawa ako sa iyo!” sigaw ni Yasmine. Nagpumiglas siya sa pag-asang sa pagkakataon na iyon ay magagawa na niyang makawala pero nabigo siya.

“Sumusunod lang kami sa nakakataas sa amin. Trabaho lang,” sagot ni Teacher Noah.

“T-trabaho? S-sino ang nag-utos sa inyo? Si Dominique ba?! Si Jazzy?! Magbabayad ako ng mas malaki! Triple or even ten times more sa ibinayad ng kung sino mang nag-utos sa inyo. Hindi rin ako magsusumbong sa mga pulis basta pakawalan niyo lang ako dito! Please!” Naiiyak na siya. Anumang sandali ay sasabog na ang luha niya.

“Hindi ka ba marunong umintindi? Akala ko ba ay si Camila lang ang bobo sa inyo? Pati yata ikaw, bobo, e!” ani Helga. “'Di ba, nga, hindi namin kailangan ang pera mo. Gagawin namin kung anong utos sa amin at gagawin namin ito dahil sa gusto rin namin. Gusto namin ang pagpatay. Nakakaramdam kami ng pleasure kapag nakikita naming nahihirapan at nasasaktan ang isang tao.”

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon