LESSON 06- You Should See Me In A Crown

2.7K 152 21
                                    



“WANT some?” Alok ni Camila kay Yasmine ng kinakain nitong potato chips.

Kasama ni Dominique ang lahat ng kaibigan niya habang naglalakad papunta sa quadrangle kung saan naroon na ang urn ng kaibigan nilang si Courtney.

Sumimangot si Yasmine at parang may pandidiring umiling. “Thank you but no. One thousand two hundred seventeen ang calories sa isang bag ng potato chips. Alam mo ba 'yon, Camila? Hindi iyang pwede sa diet ko,” pakli pa nito.

“Diet? Ang liit-liit na ng beywang mo kaya tapos diet ka pa rin? Seriously? Tatangayin ka na kaya ng malakas na hangin sa sobrang payat mo!” Hindi makapaniwalang turan ni Camila.

“Can you just shut up, Camila? This is my body at gagawin ko ang lahat nang gusto ko dito! Look at you! Kakakain mo ng unhealthy foods kaya ang laki ng bilbil mo!”

“This is just baby fats!”

“Kayong dalawa ang tumigil!” saway ni Dominique sa dalawang kaibigan na madalas na nag-aaway.

Malapit na sila sa quadrangle nang mapahinto ang mga kasama ni Dominique nang may makitang sini-set-up sa mini stage sa gitna niyon kung saan naroon ang urn ng kaibigan nilang si Courtney.

“What is that? Akala ko ba ay magbibigay lang ng respect sa urn ni Courtney? Bakit parang may magbibigay ng speech?” Nagtatakang tanong ni Jazzy.

Ngumisi si Dominique. Inaasahan na niya iyon. “Let’s go, girls!” Taas-noo siyang naglakad papunta sa gitna ng quadrangle.

Pagdating doon ay saktong tapos nang ayusin ang mini-stage. May sound system din. May malalaking speaker na nakalagay sa apat na sulok ng quadrangle. Nilapitan siya ng isang lalaki na nag-set-up ng mini stage.

“Miss Dominique, okay na po,” anito sabay abot sa kaniya ng wireless microphone.

“Thank you. I will pay you later!” Kinuha niya ang microphone at umalis na ang mga lalaki na gumawa ng mini stage at sound system.

“Ikaw ang nagpa-set up nitong lahat?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jazzy.

“Yes, Jazzy! I have an announcement to make—”

“Ngayon talaga? This is not the right time! Igalang naman natin ang burial na ito ng namatay nating kaibigan dito sa school natin!”

“This is the right time,” giit niya. Tiningnan niya nang diretso si Jazzy sa mata at tinaasan ito ng kilay. Napailing na lang ito at hinayaan siyang umakyat sa mini stage.

Nasa kaliwa ng mini stage ang urn ni Courtney na nakapatong sa isang kulay gitnong lamesa. Nakapalibot doon ang napakaraming bulaklak. Marami din ang estudyanteng nasa harapan at nag-aalay ng panalangin at bulaklak sa yumaong Queen Bitch ng Wellington High.

Isang nakakangilong feedback ang narinig ng lahat kaya nakuha ni Dominique ang atensiyon ng lahat ng naroon. Nang itapat niya sa bibig ang microphone ay saka lang huminto ang feedback. Nasa tabi ng urn ni Courtney sina Jazzy, Yasmine at Camila na hanggang ngayon ay wala pa ring ideya sa kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya kasi sinabi sa mga ito ang binabalak niya dahil ang gusto niya ay masorpresa maging ang mga kaibigan.

“Good afternoon everyone! Hindi na ako magpapakilala dahil I know na kilala niyo na ako.” She paused para tingnan ang lahat ng nasa unahan niya. “I would like to thank you all sa pagpunta dito sa burial ng aming kaibigan na si Courtney Guevarra. Kami sa Royals ay hindi pa rin makapaniwala na isa sa amin ang nawala na. Nakakalungkot lang din na bukas na ang libing niya at hindi kayo makakapunta dahil magiging private ang paglilibing sa kaniya. Mas magiging masaya sana si Courtney kung nandoon tayong lahat, right?”

School Trip 8: ViralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon