Chapter 6
"Happy Birthday!!" umalingawngaw ang pagbati ng mga tao kay Nasher sa loob ng bar kasabay ang pagsound ng napakalakas na music. Lahat nagsasayawan at nag-iinuman.
Pinagdarausan pa kalaunan ang bar ng iba't ibang grupo ng tao. Lahat ay mga mayayamang nilalang na nagkalat sa loob. May mga nakita pa akong mga kakilala ko at mga pamilya na mukha.
Hinanap ko si Trisha sa loob at naabutan ko siyang sa may dance floor, sumasayaw.
"Trish!" tawag ko nang makalapit na'ko sa kaniya.
"Oh! Eunice, sayaw tayooo, dali!" yaya niya na mukhang lasing na siya. Ganun kabilis?
"Uuwi na tayo!" sigaw ko sa kaniya kasi lumakas bigla ang tugtug. Gosh!
"Ha?! Anong sabi mo?!" sigaw niya pabalik sa'kin. Ang lakas-lakas ng tugtog, nakakabingi.
"Ang sabi ko, uuwi na tayo!" sigaw ko pa ulit ngunit wala ata siyang balak pakinggan ako kaya hinila ko siya palayo sa dance floor.
"Ang KJ naman nito!" sabi niya nang nakarating kami malapit sa bar counter.
"Dali na, uwi na tayo. Hinahanap na'ko ni Kuya Ethan."
"Hindi uuwi ang kuya mo ngayon sa inyo."
Napakunot naman ako sa sinabi niya.
"Huh? Paano mo nalaman?" tanong ko sa kaniya.
"Wala, hula ko lang." tumawa pa siya ng bahagya at muntik ng madapa dahil sa pagkalasing.
Kung hindi uuwi si Kuya Ethan ngayon sa bahay, ibig sabihin nasa condo siya ngayon?
"Sa condo uuwi kuya mo ngayon." sabi pa niya habang nakangisi.
"Kaya, mamaya na tayong umuwi!"
"Hindi puwede Trisha. Uuwi na tayo, hindi pwedeng gabihin ako." sabi ko at hinila na siya pababa ng hagdan.
Inalalayan ko si Trisha pababa ng hagdan, bakit ba kasi siya uminon pa. Hay nako itong babaeng ito, kahit kailan talaga.
Habang dahan-dahang bumababa sa hagdan, biglang tumunong ang phone ni Trisha sa loob ng purse niya. Hindi ko alam paano ang itsura ko ngayon nakahawak ang isang braso ko sa bewang niya bilang suporta habang naka-akbay siya sa'kin. Kaya ginamit ko ang kabila kong braso para kunin sa purse niya ang phone.
"Hold on, Trisha." sabi ko habang naka-alalay pa rin sa kaniya.
Nang mahablot ko na ang phone niya sa loob.
Calling...
Unknown Number
"Trisha, may tumatawag" I said, thorn between answering it or not.
Wala na'kong nagawa kundi sagutin ang tawag.
"Hello? Trisha isn't available right now, she's kinda tipsy at the moment. Sorry, you can call again when she's sobber!" sabi ko at pinatay na agad ang tawag and return her phone back inside her purse.
"Hey, uuwi na ba kayo?" nakita ko si Nasher paakyat ng hagdan.
"Uh, oo eh. Medyo lasing na kasi si Trisha" I said giving him an awkward smile.
"Naku, Trisha. Tsk, tsk. Here, let me help" sabi niya saka pumunta sa kabilang side ni Trisha at inalalayan siya.
"Oh, h-hey Nasherrsjs" lasing na nga talaga si Trisha.
Lagi na lang siyang nalalasing 'pag magkasama kami.
"You're really drunk, Trisha" Nash chuckled at umiling lamang ito.
