29

513 8 0
                                    

Chapter 29


Hindi ko alam pero tila bang hindi ako mapakali nang pumasok ako sa kotse.

"Manong... sa RHC po tayo," nanginginig kong sabi.

Nang makarating ako sa tapat ng building ay agad akong bumaba sa kotse at dumiretso sa loob. Kailangan kong makita si Kiel, kailangan kong malaman kung totoo ba na engaged nga sila ni Shanaya. Sumakay ako agad sa elevator at pinindot ang office floor ni Kiel.

Lumabas ako agad at dumiretso sa kaniyang opisina. Wala ang kaniyang sekretarya sa labas kaya dumiretso agad ako sa labas ng kaniyang opisina.

Kakatok na sana ako ngunit narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa loob.

"My father has been busy lately Kiel! He's busy with his mistress at sa tingin mo ba, hahayaan ko na pati daddy ko mawala sa akin?!"

It was Shanaya's voice. Napatigil ako sa sinabi niya. Mistress? Si Tito Francis ba ang tinutukoy niyang daddy?

"Hindi siya kabit ng daddy mo - "

I heard Kiel's voice and I just stood there, frozen.

"Then ano siya?!" narinig kong sigaw ni Shanaya sa loob.

"Palagi na siyang pumupunta sa bahay na iyon Kiel! He's spending his time visiting that woman kahit saan siya magpunta! Sa tingin mo hindi siya kabit when she welcomes him in her house kasama ng mga anak niya?!"

"Shan, enough. I've already done my part, and napatunayan naman na hindi siya kabit ng daddy mo. They're just friends since college, your father's the one who tries to pursue her -"

"I don't buy that! Anong tingin mo sa akin Kiel, tanga?! That's bullshit!"

"They didn't even know about your father until he came back from US Shan." Si Kiel.

"That's the point! They didn't even know that their mother is a whore -"

"Enough Shan!" narinig ko ang pagsigaw ni Kiel mula sa loob. I never heard him shout before and it makes me scared knowing that he's angry at the moment.

Gustong buksan ang pinto pero gusto kong marinig ang kanilang usapan, gusto kong malaman kung bakit alam ni Kiel ang tungkol kay Tito Francis, at sino ang kabit na tinutukoy nila?

"Why? Ayaw mong sabihin ko yun dahil mahal mo na ang anak ng kabit ng daddy ko?"

"Say Arkiel, why don't you just tell to your stupid little lover na all this time it was just a plan, bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang tungkol sa daddy ko para lubayan na niya at ng nanay niya ang daddy ko!"

Natigil ako sa kinatatayuan ko, all this time? It was just a plan? Anong plan? They're talking about Shanaya's father and his mistress. Tito Francis is Shanaya's dad and he's been visiting us before. Does that mean she thinks that my mom is a mistress? And Arkiel knows about this ever since? So they've been playing with me all along? Kailan pa?

Ilang segundong katahimikan ang nangyari sa loob nang biglang magsalita si Kiel.

"We'll talk about this later." Narinig kong sabi ni Kiel pero nanatili akong nakatayo doon. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita si Arkiel na nagulat ding makita ako sa labas ng kaniyang opisina. Hindi ko makita si Shanaya dahil nakaharang si Kiel sa harap ko pero wala na akong pakialam sa kaniya.

Hilaw akong ngumiti sa harap niya.

"A plan? Great." yun lang ang lumabas mula sa bibig ko at sinampal siya.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon