Chapter 2
Pagkalabas ko, nakita ko na sila Trisha sa table namin nandun pa rin si Jace pero wala na yung Grace kanina. Dumiretso na lang ako sa kanila at kinawayan ako ni Trish na dahilan kung bakit napalingon si Jace sa direksyon ko.
"Eunice! Akala ko talaga nawala kana, naiwan mo pa phone mo dito!" sabi ni Trisha at umupo na lang ako at kinuha ang phone.
"Sorry, di ako nakapag-paalam. Nag-cr lang ako." sabi ko na lang and I check the time. 11:20 na, pagagalitan ako ni Kuya Ethan nito.
Kuya Ethan
3 missed calls
Gosh, tumawag na pala si Kuya Ethan! Patay na!
"Hindi pa ba tayo uuwi, Trisha?" baling ko kay Trisha na ngayon ay umiinom na naman ng alak.
Hindi agad siya nakapagsalita kasi biglang nagsalita si Jace kaya napabaling ako sa kaniya.
"Eunice, sorry about earlier. Lasing na yun si Bea, eh." napakamot pa siya ng batok.
"Okay lang. Mukhang lasing nga talaga siya" sabi ko na lan. Hindi na siya umimik at napabaling na ako kay Trisha na ngayon ay umiinom pa rin ng alak. Kinuha ko ang bote sa kaniya.
"Hey! That's mine, get yours!" sabi pa niya sakin at inagaw muli ang bote sakin.
"No, lasing kana Trish." sabi ko sa kaniya at inagaw ulit ang bote pero hindi niya yun binigay sakin. Gosh, Patrisha.
Napatingin ako sa kabilang table sa tabi namin dahil maingay ang grupo dun. Napasinghap na lang ako dahil may nakita akong pamilya na mukha na nakitingin sakin ngayon. Siya yung lalaki kanina sa cr! Gosh, bakit ko pa siya nakita. Nahiya tuloy ako. Pero bakit ba ako yung nahihiya? Siya tong nakikipag-milagro dun sa babae kanina. Iba ang tingin niya sakin. May hawak siyang baso at ininom iyon habang nakatingin pa rin sakin. Umiwas na ako ng tingin nang biglang magsalita si Jace sa tabi ko.
"Baka hinahanap ka na sa inyo, Eunice" yun lang sabi ni Jace kaya naman hinila ko na si Trisha.
"Hinahanap na nga eh. Uuwi na kami ni Trisha, uh, Jace" sabi ko na lang at tinignan ang phone ko saglit at nilagay na sa bulsa.
"Trisha, tumayo ka na diyan. Uuwi na tayo, itetext ko na si manong ha" sabi ko at tumayo naman siya. Inalalayan ko pa siyang tumayo dahil na off balance pa siya kanina. Kinuha ko na ang cellphone niya at tinext si manong na sunduin na kami dito.
"Samahan ko na kayo palabas" sabi ni Jace and hindi nako umimik pa dahil tinulungan niya naman akong alalayan si Trisha palabas.
Hinintay na lang namin na dumating ang sundo at nagpasalamat ako kay Jace. "Thank you, mauuna na kami" sabi ko na lang sa kaniya.
"Uh, sige. Ingat kayo" nginitian ko lang siya at sumakay na sa kotse.
Isinarado ko na ang pintuan ng kotse at nakahinga na rin ng maluwag. Natutulog na si Trisha sa tabi ko at napabuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako sa labas at nakita ko ulit yung lalaki kanina sa cr, nakatingin din siya sakin mula sa labas. Nagkatitigan kami hanngang sa lumagpas na ang kotse sa lugar kung saan siya nakatayo. Bakit ko pa siya nakita ulit? Gosh, scary naman.
Naka-uwi na ako ng bahay pero nagulat ako nang makita si Kuya Ethan na naka de kwatrong nakaupo sa sala namin, medyo madilim na rin sa living room at tanging mga lamp shades na lang ang nakabukas. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"K-kuya..." di ko alam anong sasabihin ko, nakakatakot pag magalit siya. Never pa naman ako sumuway sa utos niya.
"Anong oras na?" he coldly asked.
