34

540 13 0
                                    

Chapter 34


Agad akong napakurap at lumunok bago siya sagutin.

"Y-Yes, I am. M-May I know what happened here, Sir?" I remained cool and act as if I didn't know him.

"A-Ako po ang may k-kasalanan Miss. Pasensya na po, nabangga ko po kasi si Sir at nahulog ang box ng brownies." Mangiyak-iyak na sabi ni Sarah sa akin kaya bumaling naman ako sa kaniya.

"It's okay Sarah, pumunta ka na muna sa loob. I'll handle this." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Bumaling ako kay Arkiel na ngayon ay nakatayo na.

"I said that it's fine, it's really not her fault. I will get another one, instead." He said as he looked at me with no expression.

"You will get another box Sir, if you're willing to wait as we settle this mess first." Sabi ko sa kaniya.

"I am good at waiting." Sabi niya lang ngunit wala pa ring ekspresyon ang kaniyang mukha at tumango lamang ako.

Tinulungan ko ang staff naming na pulutin ang ilang brownies pa na nakakalat sa sahig at inilagay ito sa dating lalagyanan. Natapon nga talaga lahat ng brownies. Pero ayos lang ako na lang muna ang magco-cover nito.

Kumuha ako ng another box ng brownies na kapareho sa binili ni Kiel kanina. Inilagay ko na ito sa isang paper bag para hindi matapon ulit. Bumalik ako sa kaniyang mesa at inilagay ang paper bag sa ibabaw ng mesa.

Nakita kong inilabas niya ang kaniyang wallet.

"You don't have to pay anymore, Sir. Kasalanan po namin ang nangyari, it's our way of apologizing. Please take this Sir." I politely said.

He raised his eyebrows at me and I did felt a very familiar feelings.

"It's really fine Miss Eunice. I will pay for this again, I have fault too." Sabi niya saka inilapag ang pera sa mesa. Kinuha niya ang paper bag saka tumayo na.

May kung ano akong naramdaman nang marinig niyang banggitin ang pangalan ko.

"You don't really have to pay, Sir." I insist.

Hindi niya ako pinansin at tuluyan na ngang umalis palabas ng restaurant, leaving his payment and me dumbfounded.

Ano ang ginagawa niya rito? Alam niya ba na naririto ako or it's just a coincidence that he's here? Inalis ko na iyon agad sa aking isipan at bumalik sa pagta-trabaho. Kinausap ko rin agad si Sarah na maging maingat sa susunod.

----

"Narinig ko na may nangyari raw kahapon?" tanong ni Marco sa akin nang makapasok sa opisina.

"Yes, pero hindi naman ganon kalaki at kasama. Nagawan din naman ng paraan." Sabi ko saka ngumiti.

"Buti na lang nadiyan ka." Sabi niya saka tumawa ng bahagya.

"Anyways, is it okay for you to help me inside?" tanong niya referring to the kitchen.

Tumango naman ako at sabay kaming lumabas at pumunta ng kusina. I helped him bake even though naka-casual shirt lamang ako and a black pencil skirt with a black waist apron on it.

Ilang oras pa ang tinagal naming sa loob ng kusina ni Marco at bandang alas onse na nagpasya kaming maglunch. We had lunch together sa restaurant ng resort dahil malapit lang naman at hindi na hassle sa amin kung may problema man sa shop.

Habang kumakain kami ay napansin ko ang isang pamilyar na lalaki naka-upo sa di kalayuan sa amin. He immediately gazes at my direction and our eyes met for a moment. I hitched my breath knowing that Arkiel is here, eating his lunch. I quickly looked away and continue eating my food.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon