Chapter 8
Trisha and I were preparing for today's basketball game event. Remember the one Jace invited us, well this is the day. Jace texted me the exact time and location. I look outside of my window and it looks like it's going to rain later. Makulimlim ang kalangitan kaya naman nagpasya akong magdala ng payong. I get my folding umbrella and nilagay iyon sa side table malapit sa aking kama.
"Ready ka na?" tanong sa'kin ni Trisha and I just nodded in response.
"Let's go!" Excited niyang sabi at bumaba na kami. Wala na naman si Kuya Ethan ngayon at panigurado akong nasa trabaho yun. He's busy lately and expected naman din yun sa kaniya kasi siya naman magmamana ng business ni Papa.
Nang makarating kami, maraming mga college students ang naroroon na gustong manood ng laro. May iba akong nadatnan na kakilala at mga kaklase.
"Trisha! Tara dito." Lumingon kami sa may bandang bleachers malapit lang sa court. Nakita naming sina Joyce at Amiel na nandito rin pala.
"Hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo." Si Amiel.
"May nag-invite lang nuh, hindi naman talaga kami dapat pumunta dito kasi hindi naman mahilig si Eunice sa mga ganito." Trisha said while we went to our seats. Kitang kita ng malapit ang pwesto naming kaya natakot ako na baka matamaan ng bola. Mahirap na.
"Buti na lang nakita naming kayo, baka nasa taas pa talaga kayo uupo niyan." Sabi ni Joyce at napansin ko na may bandana siya sa ulo.
"Sinong sinusuporta niyo rito, aber?" tanong pa ni Trisha.
"Sina Jace syempre! Nakita mo na ba si Jace kanina? Jusko, ang guwapo sis!" sabi pa ni Joyce na tumatawa.
"Hindi pa eh, 'sus nagpapalakas lang yun. Tignan nga natin ang galing nun." Umirap lang si Trisha at hindi ko na sila pinansin. Wala naman talaga akong alam na pwedeng i-share sa kanila.
"Ayun sila oh! Shit, ang gwapo ni Lucas." Sabi ni Amiel na kinikilig pa habang nakatingin sa bandang kanan namin.
Napalingon naman ako sa gawi nila at nadatnan ang mga basketball players ng school namin. Nagre-ready na sila para sa first quarter, yung iba nagpapalit ng jearsey nila at yung iba naman ay nag-aayos ng sapatos. Nahagip ng mata ko si Jace na parang may hinahanap sa bleachers. Dun kasi siya nakatingin tapos pabalik-balik pa. Naka jersey siya at may knee pad sa kanang tuhod niya. Kung tutuusin gwapo naman talaga siya tignan.
May lumapit sa kaniya na mestizo at singkit na lalaki, tinapik ito ang balikat ni Jace saka umiling lang siya. Tumawa naman yung singkit na lalaki at nag-jogging patungo sa grupo nila. Inalis ni Jace ang tingin sa bleachers saka pumunta sa side kung nasan ang duffel bag niya at may kinuha ito.Inilabas nito ang phone niya saka nag-type dun.
Bigla naman nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya naman kinuha ko ito. Si Jace pala ang nag-text.
Jace:
Saan kayo?
I replied back.
Me:
Malapit lang sa inyo. To your left.
I suddenly look at him and he was still searching when he found my gaze, he immediately smile and put his phone back. Saka may kinuha pa siya saglit sa tabi ng duffel bag niya at nag-jogging papunta sa'min.
"Ayan na pala si lover boy eh." Sabi ni Trisha nang mapansing malapit na sa'min si Jace.
He stopped when he's already infront of us. May railing kasi sa harapan kaya hindi siya gaanong nakalapit, although he's near ng konti.