09

623 11 0
                                    

Chatper 9


Hindi muna kami nagtext sa driver ni Trisha dahil masyado pang malakas ang ulan at baka delikado pa kina kuya na magdrive sa lagay na gnito. Kaya sumilong muna kami sa may malapit na waiting shed area sa lugar. Medyo nabasa na rin kami kasi isang jacket lang naman yun ni Jace ang meron kami kaya nabasa na tuloy ang sapatos ko which I don't mind ganundin kay Trisha. We were half wet because of the rain, my hair is a bit messy and nabasa na rin siya ng ulan. Inayos ko ang buhok ko at nagpunas ng aking braso kahit basa na.

"Bakit ba umulan ngayon?" Trisha asked out of nowhere. I just hugged myself as I shiver from the cold.

"Magpapasundo na ba tayo?" tanong ni Trisha sa'kin at tumango na lang ako.

"We should call them na," I said and she grabbed her phone inside her pocket and dial a number.

"Hello? Manong Rowel, magpapasundo na sana kami - ha? Ano po?" ilang Segundo pa na tahimik si Trisha habang nakikinig sa kabilang linya.

"Ganon po ba? Ah, sige po. Pakisabi na lang po kina mommy na I'll be safe. Salamat po." She put down her phone and sighed.

"Matatagalan pa raw dahil may aksidente raw nangyari sa may main road causing a traffic and walang ibang madadaanan bukod dun." She sighed again and hugged herself due to the cold weather.

"Aksidente? Sana walang napahamak. We can wait here lang naman, hanggang sa humupa na ang ulan." I said ang she nodded.

"Si Kuya Ethan? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" biglang tanong ni Trisha.

"Huh? Si Kuya? Ang alam ko nasa trabaho siya, He's busy with the business lalo pa na uuwi na sina Mama." Sabi ko na lang.

"Talaga? Mabuti naman at uuwi na sila Tita."

As if fate was playing with us nang mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Oh no, matagal na rin kaming naghihitay dito and may mga ibang tao na rin ang nakikisilong sa'min. Sana naman humupa kahit sandali lang.

"Can you call your driver? Baka available si Manong right now?" she said and I held out my phone pero it won't open.

"Low battery." Sabi ko at ngumuso.

"Wala rin akong number ni Manong Roy. Oh God." She just sighed.

Biglang nag ring ang phone ni Trisha and she immediately answered it.

"Hello? Yeah, I'm here. How did - pero how about - okay fine." her voice is a little bit low but enough for me to hear. I just looked in front and wait until Trisha finished the call. I wonder who's she's talking to.

She immediately put her phone down and place it inside her pocket. I heard her sighed and I turn my gaze to her.

"Sino yun?" I asked. She looked at me and blink twice.

"Ha? Ano... a f-friend." she stutter.

"Eunice, he called me kasi hinihintay niya raw ako sa kabilang kanto. It's an emergency actually, and he needs me right now, and..." patuloy niya.

"It's okay, go ahead, I'll be fine. Marami naman mga tao ang naghihintay na tumila ang ulan. You can go ahead." sabi ko with a smile.

"You sure? I'm not really comfortable leaving you h-here." she sadly said.

"Your friend might need you Trish. He wouldn't call if its not important. Sige na, you'll be okay naman diba?" sabi ko.

"Yes I'll be fine." sabi niya and she was about to run under the rain when I grabbed her arm.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon