Chapter 27
Natapos ang aming internship kung kaya bumalik kami ng school para sa preparation ng graduation namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya Ethan tungkol kay Tito Francis. Mas lalo tuloy akong natakot at kinabahan sa kaniya. Ano ang balak niya kay Mama? May masama kaya siyang intensyon sa pagbisita niya sa kaniya?
Thinking about their conversation inside the office, I couldn't just figure it out. Hindi ko gaanong naintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Pero isa lang alam ko sa usapan na iyon, hindi ko gusto kung ano man ang binabalak ni Tito Francis.
Mabilis ang pagdaan ng mga araw at graduation na naming. Masayang-masaya kami ni Trisha dahil saw akas graduate na kami.
Nagpicture na rin ako kasama ng mga batchmates ko. Syempre nandun sina Mama at Kuya Ethan sa graduation at nakisali na rin sa pagpicture. Nagpicture rin kami kasama ang parents ni Trisha. Syempre may picture rin si Kuya Ethan at Trisha together.
"Congratulations." Bati sa akin ni Kuya saka niyakap ako.
"Thanks Kuya." Sabi ko sabay ngiti.
"Congratualtions! You finally made it." bati ni Mama sa amin ni Mama after ng pictorial namin.
"Thanks Tita!" sabi naman ni Trisha and I just smiled.
"Oh let's celebrate na after this!" sabi naman ng mama ni Trisha na sinang-ayunan ng lahat.
"Tara na sa restaurant, nagpa-reserve na ako para sa ating lahat." Sabi naman ng daddy ni Trisha at tumango na lang kami.
"Mauna na muna kayo sa kotse, magpipicture lang po kami sa mga kaibigan namin." Paalam ni Trisha at hinila ako.
"Ayun sina Jace oh, halika ka Eunice." Sabi ni Trisha kung kaya't nagpaalam muna kami sa kanila para puntahan sina Jace.
"Jace!" tawag ni Trisha sa kaniya at bumaling naman si Jace sa gawi namin.
"Uy! Dali picture tayo." Nandun ang iba pang kasamahan ni Jace pati ni Kairo.
Naka-ilang picture pa ang ginawa namin doon hanggang sa nagpaalam na sila para magcelebrate sa kasama ang kanilang mga magulang.
Nagpaalam na rin kami at sabay kaming pumunta ng parking ni Trisha. Masaya ang naging celebration namin kasama sina Trisha. Pagkatapos ng pagkain ay nagkuwentuhan pa ang mga magulang namin tungkol sa trabaho.
Habang nag-uusap sila biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Nakitang kong nagtext si Arkiel kaya naman dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko sa ilalim ng mesa at binuksan ang text niya.
Kiel:
Where are you? Can we meet?
Kinagat ko agad ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Habang nagtitipa ng message sa kaniya ay bigla akong siniko ni Trisha sa gilid. Nanlaki naman ang mata ko na tinignan siya.
"Sino yan? Jowa mo?" bulong niyang tanong sa akin kaya tumango na lamang ako.
Napangiti naman siya saka tumango at sumandal muli sa kaniyang upuan. Nagpasya akong makipagkita kay Kiel after ng dinner namin. Umalis din agad si Kuya kalaunan dahil may tumawag sa kaniya. Nagpaalam na rin sina Trisha at nagpasya kaming umuwi na rin. Uuwi muna ako para hindi mahalata ni Mama na may pupuntahan ako.
Nang makarating sa bahay ay nagpaalam si Mama na matutulog na at tumango naman ako. She kissed the side of my head and went to her room immediately.
Nagpalit muna ako ng damit saka maingat na lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ay agad kong nakita ang sasakyan ni Kiel hindi kalayuan sa bahay namin. Napangiti ako agad saka lumapit doon.
