Chapter 1
"Eunice! Dali na, sumama kana! Please?" nagpout pa si Trisha sa harap ko at kunwari iiyak na. Haynako, bakit ba hindi ko siya matanggihan pag ganito na mukha niya. Hindi naman cute, marunong lang talaga siyang mag persuade ng ibang tao.
Saturday night ngayon, kaya nagyaya siyang mag night out kasama ang ibang kaibigan, siya lang naman ang close sa lahat dahil siya laging click ko at some point. Mayaman ang pamilya nila Trisha, kaya lahat ng gusto niya nabibigay sa kaniya.
Sinubukan ko parin siyang tanggihan baka pumayag siyang hindi na lang ako sasama.
"Ayoko nga, Trisha. Mag-aaral pa ako, magrereview ako bukas kaya ikaw na lang. " Sabi ko habang naka-indian sit sa kama ko. Nandito siya ngayon sa bahay namin, dahil nga diba nagyaya siya.
"Eunice naman eh. Ngayon lang nga, pagbigyan mo na ko! Please? Pinagbigyan Kita last time remember? Sabi mo Hindi ka puwede kasi may assignment Kang tatapusin well in fact, you've already done your assignment!" sabi niya pa sakin na padabog umupo sa tabi ko.
"Hay nako. Sige na nga! Pagbibigyan kita, pero ngayon lang yan! Alam mo namang hindi ako mahilig uminon at magbar, Trisha." Sabi ko at tumayo na ako para maghanap ng susuotin.
"Yey! Sa wakas, at pumayag na rin si miss prim and proper." tumawa pa siya at kinuha ang phone niya.
Umiling na lang ako at napabuntong hininga. I swear, Hindi ako sasama next time. Kumuha na lang ako ng high waisted maong short at black off shoulder long sleeves. Wala naman akong damit na sexy or seductive kasi Hindi ako mahilig sa ganun, mas kumportable ako sa mga Hindi gaanong sexy na pananamit. May Kuya kasi ako kaya masyadong conservative ang peg ko.
"Ano ba yan, club ang pupuntahan natin Eunice hindi children's party." reklamo niya ng nakitang tapos na akong magbihis.
"Ayos naman to ha. Tsaka isa pa, hindi naman ako makikipag-landian dun no. Pinagbibigyan lang kita." sabi ko sa kaniya at inirapan lang ako ng bruha.
"Pero pwede na rin, sexy ka pa rin na conservative, haha" tumawa lang siya at lumapit sakin sa may salamin. Wala akong masyadong make up na nilagyan Kasi nga di ako mahilig. May earings akong maliit na kulay silver na laging Kong ginagamit dahil nakasanayan ko na siyang suotin, birthday gift Kasi sakin Yun ni mama kaya suot suot ko siya lagi. Inayos niya ang buhok at ginawan niya lang yun ng braid kaya kitang-kita talaga leeg at shoulder ko dahil sa ayos nito.
Nung bumaba na kami, nakasalubong namin si Kuya sa may living room may laptop na hawak at kakaupo pa lang sa sofa. Napatingin siya sa banda namin at napataas ng kilay.
"Kuya, labas lang kami ni Trisha. Babalik lang din kami kaagad." sabi ko sa kaniya.
"Make sure to be home at 11." sinulyapan lang niya kami saglit at bumaling na siya sa ginagawa niya. Nagpaalam na lang ako saka kami sumakay sa kotse nina Trisha.
"Napaka-OA talaga ng Kuya mo." inis niyang sinirado ang pinto ng kotse. Nasa likuran kami kasi may driver sina Trisha.
"Ganun lang talaga si Kuya Ethan. Di ka pa ba nasanay" sabi ko na lang habang abala sa phone ko.
"Anong ganun? Ang sabihin mo, OA siya masyado no. Over protective akala mo naman kung sinong guwapo." pagtataray niya.
"Gwapo naman talaga sa paningin mo." tukso ko sa kaniya kaya nagulat pa siya pero nawala naman din yun kaagad at nagsalita na.
"Gwapo nga, OA na snabero naman." bulong niya lang peronarinig ko pa rin. Pakiramdam ko nga, may gusto siya kay Kuya eh, oh baka si Kuya Ethan ang may gusto ka say kaniya? Well, okay lang din kung both. Nakarating na kami sa club na sinasabi ni Trisha na hindi talaga pamilyar sa'kin.