26

477 9 0
                                    

Chapter 26


Everything went smoothly as I worked under RHC as an intern. Wala namang ibang nangyari bukod sa palihim kaming nagkikita ni Kiel during break time.

We had been always together since my internship and it makes me feel happier than before. Mas matagal ko na siyang nakakasama at nakakausap, pero yun nga lang we need to be very careful kasi ayokong malaman ng iba na I'm dating their boss!

Maraming pinapagawa lalo na kung bago ka pa lang at isa ka pang intern. I get scold by Ma'am Olivia sometimes and for me it's normal. Kailangan gawin ang trabaho ng tama at naaayon sa kaniya, she's been telling that to all of us interns every single day.

Habang nagta-type sa aking computer ay lumapit si Janine sa akin.

"Eunice, pakidala naman 'to sa 10th floor kay Architect Ruste. Maraming pinapagawa si Madam ngayon, alam mo na, lalo pa at mainitin ang ulo niya ngayon." Sabi niya sa akin saka iniabot ang isang black portfolio.

Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko bay un o tatanggihan siya pero ayoko namang magkaroon bad impression.

"Please? Sige na."

Wala na akong nagawa kaya tumango ako saka kinuha ang portfolio mula sa kaniya.

"Thank you talaga." Sabi pa niya saka nginitian ako.

"Ibibigay lang ba ito sa kaniya?" tanong ko to make sure.

"Yup." Sabi niya at pumunta na sa kaniyang cubicle.

Tumayo naman ako agad saka dumiretso na sa elevator at pinindot ang floor number kung nasaan ang opisina ni Arkiel. Nag-ayos pa ako ng buhok bago lumabas.

Nadatnan kong walang tao sa may secretary table na nasa labas ng kaniyang opisina kung kaya hindi ko alam kung kakatok ba ako o iiwan na lang sa mesa ang portfolio ng kaniyang sekretarya. Pero ang sabi ni Janine kay Arkiel daw mismo ibigay ito.

Kumatok ako sa kaniyang pinto at narinig ko naman ang boses niya mula sa loob.

"Come in." narinig kong sabi niya saka dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Nagulat ako nang makitang hindi siya nag-iisa sa opisina. Kasama niya si Shanaya yung kasama niya dati sa business party. Nakita ko rin ang gulat sa kaniyang mata at tinignan naman ako ni Shanaya. May bakas rin ng pagkagulat ang mukha niya pero nagbago ito agad. They're in the middle of a conversation. Kiel was sitting in his swivel chair while Shanaya's just standing on the side screaming beauty and classy.

"Uh, I'm sorry. Babalik na lang -"

Kiel cuts me off.

"It's fine. Go on." Sabi niya habang tintignan ako. Hindi ko gaanong malaman ang ekspresyon niya ngayon.

Pinasadahan ko pa ng tingin si Shanaya na tahimik lamang naghihintay. Naglakad ako palapit sa table ni Kiel. Inilapag ko ang portfolio sa ibabaw ng kaniyang mesa at hindi nagsalita.

"Thank you." He muttered under his breathe at saka tumango lamang ako.

Aalis na sana ako nang magsalita si Shanaya at bumaling sa akin.

"You're an intern here right?" tanong niya habang nakangiti sa akin.

Hindi ako nagsalita at tumango lamang ako sa kaniya. She nodded as her eyes slowly looked down to where my ID was.

"Nice to meet you, Eunice Graciano. I'm Shanaya by the way." She nicely said and reached out for her hand. I was hesitant at first pero I gave her a small smile and took her hand for a quick hand shake.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon