11

602 6 0
                                    

Chapter 11


Monday, and we're back to normal again. Normal for me, nothing's been going on like parties, clubs, events or whatever hangouts with Trisha. Dinala ko na yung jacket ni Jace na pinalaba ko so that I can return it to him clean and fresh. Magkasama kami ngayon ni Trisha as usual, waiting again for the next subject.

"Sino naghatid sa'yo after kitang iwan dun?" she suddenly asked.

Nagulat ako sa tanong niya pero binawi ko naman ulit 'yun. I don't know if I should tell her Kiel, the guys I met in the cr making out or the guy that my brother knows or better huwag na lang kaya. It didn't mean that we're not that open sa isa't isa, it's just that, there are things that are meant to share even with your friends. Depende naman yun, well for me it's one of those things that I don't like to share. Because it's nothing and it's too petty to even bother.

"Kakilala lang dawn ni Kuya." I shrugged and she shot me a glance.

"Sino raw? Babae ba?" tanong niya ulit, attentively waiting for my answer.

"N-no, lalaki Trish. Kaibigan lang daw ni Kuya kaya pinaki-usapan niya." Sabi ko na lang and divert my attention to my notes. She just nodded.

Sumandal siya sa upuan niya and hindi na nagtanong pa. Bakit kaya niya tinanong yun? Natapos ang klase naming and I immediately arranged my things.

"Mauuna na muna ako, Eunice. We have a family dinner tonight, eh. See you tomorrow." Trisha wave goodbye as she finished picked up all her things and I bid my goodbye too.

I almost forgot about Jace's jacket na nasa tabi lang pala ng desk ko. I picked it up and went outside to find Jace. Now, saan ko pala siya hahanapin? I heard na engineering daw ang kinukuha niya and I need to go the Engineering building to return his jacket. Should I? Or should I just text him to meet me here? That would be too rude for me. Siya na nga 'tong nagpahiram ng jacket, eh. So I dial his number to make a call. After several rings he answered it.

"Eunice? Sorry, nasa training ako right now. Do you need anything?" sabi niya sa kabilang linya. That's why natagalan siya sa pagsagot ng tawag pero buti sinagot niya.

"Uh, no. I just want to return your jacket. Nasa gym ka ba ngayon?" I asked.

"Oh right. Yung jacket pala, yeah nasa gym kami ngayon. Why?"

"Pupunta na lang ako diyan para isauli 'to." I said.

"Okay lang ba sayo? Pasensya na, I can't go there para ako na lang sana ang kumuha niyan. Strict kasi si coach, eh." Narinig ko pang tumawa siya sa kabilang linya and someone called his name. He must be really busy.

"No it's fine. Okay lang sa'kin, papunta na'ko diyan." I said and he just agreed. With that I ended the call.

Mabuti naman at hindi ko na kailangang pumunta sa engineering building at dumiretso na'ko sa gym ng school namin. Nang makarating ako, naririnig ko ang mga ingay ng sapatos na tumatakbo at ang pagbounce ng bola hudyat na naglalaro nga sila ng basketball. Narinig ko din ang pagsigaw ng coach nila at ang pagpito nito. Tuluyan na akong nakapasok sa loob at naroroon silang nagpra-practice ng laro. May mga ibang estudyante ang nanonood ng laro nila sa iilang mga upuan sa bleachers. Paano ko 'to ibibigay kay Jace ang jacket niya? Ilalagay ko na lang kaya sa bag niya, the problem is I don't know where did he put his bag. I sighed knowing that I will wait for a little bit, I guess.

May mga nagtitilian pa na mga babae sa loob ng maka-shoot si Jace. Pinanood ko lang silang naglalaro habang naka-upo sa gilid, malapit sa mga nakapatong na bag sa isang bench and I'm getting bored lately. I'm not really into watching any games right now, gusto ko ng umuwi at kumain. Pinapanood ko lang sila hanggang sa mapansin ako ni Kairo at sumenyas kay Jace dahilan na pagbaling niya rito at may binulong ito sa kaniya. Bigla naman lumingon si Jace sa gawi ko at nginitian ko lang siya. He mouthed me the words sandali lang, if I'm not mistaken so I stayed for a while waiting for them to finish their game.

BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon