Chapter 35
"Please leave. I don't want to talk right now." Yun lang ang nasabi ko at lumayo sa kaniya.
He sighed and moistened his lips.
"We will talk tomorrow," he said and I turned my back to walk away from him.
I can't look at him right now. After that kiss, how am I supposed to even look at him and talk to him? I should have not done that.
Hindi ko na siya tinignan at tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung paano ako makakain at makakatulog nito gayong hindi ko mapigilang isipin ang nangyari.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa resort. Wala pa ang ibang staff nang makarating ako sa shop pero nakabukas na ito. Kumunot naman ang noo ko at dumiretso sa kusina. Nagulat ako nang makita si Marco sa loob.
Nang maramdaman niya siguro ang presensya ko ay agad niya akong tinignan at ngumiti.
"Oh? Ang aga naman masyado ng Manager namin." Sabi niya at tumawa ng bahagya.
Ngumiti lamang ako at lumapit sa kaniya.
"Ikaw kaya ang maaga."
"Napuyat ka ba kagabi? Parang kulang ka sa tulog ah." Sabi niya saka inilapit ang mukha sa akin para matignan ako.
Napakurap naman ako at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Ha? H-Hindi ah. Maaga lang talaga akong gumising kanina." Sabi ko at saka lumayo.
Ngumisi siya at kinuha ang waist apron sa may sink at isinuot ito. Naka chef uniform na rin siya at inayos ang kaniyang apron.
"Mag-aayos lang muna ako sa labas." Paalam ko at ngumiti siya at tinanguan lamang ako.
Dumiretso muna ako sa opisina at inilagay ang aking bag doon at kinuha ang black waits apron saka isinuot ito.
Lumabas ako para ayusin ang mga upuan at pumunta sa counter para i-check ang mga kailangang gawn. Naaamoy ko na ang bine-bake ni Marco sa loob kung kaya't napangiti ako saka pumunta sa loob ng kusina.
Ngumiti ako nang makita siyang busy sa pagbe-bake at dumiretso ako sa pastry refrigerator at kinuha ang tray ng muffins doon. Nilabas ko iyon saka isa-isang nilagay ang muffins sa bakery glass counter gamit ang tongs.
"Good morning Miss." Bati sa akin ni Jeff na siyang kadarating lamang. Isa sa mga staff namin dito.
"Good morning." Sabi ko saka nginitian siya.
Unti-unti na rin nagsidatingan ang mga staffs at may mga iilang tao na rin ang nasa loob ng resto para magbreakfast. Tinulungan naman ako ng iba na kunin ang mga natapos na baked products sa loob at inilagay sa labas.
Nang mailabas na ang last tray para i-display sa labas ay nagulat ako nang makita si Arkiel na nasa harap ko.
"Good morning." Sabi niya at tinignan ko lang siya.
Tinignan ko pa ang paligid at nakitang busy ang lahat ng mga tao sa loob. Binalingan ko siya muli at saka nagbuntong hininga.
"Let's talk." I coldly said saka lumabas ng resto.
Sikat na ang araw at may nakikita akong mga iilang tao ang pumapasyal sa dalampasigan. Pumunta ako sa may boardwalk ng resort kung saan wala pa masyadong tao ang nalalakad doon. Alam kog nakasunod siya sa akin sa likod at tumigil ako saka humarap sa kaniya.
"Bakit ka nandito?" diretso kong tanong sa kaniya.
"I'm on a business vacation." Sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin.