Chapter 22
Saturday and nagpahatid ako kay Manong Roy sa may malapit na National Bookstore. May bibilhin ako na gamit for school and some notes na gagamitin ko for reviewer.
I roamed around to see what other things I can get nang mapadpad ako sa book's section. Tumingin-tingin lamang ako sa mga libro doon at saka aalis na. Tumalikod ako ako saktong may nakabunggo na naman akong dibdib. Why does it always happened to me lately? Buti hindi ko nabitawan ang mga gamit na hawak-hawak ko.
"Oh easy lang." I looked up kung sino yun at nagulat ako nang makita si Nasher na nasa harap ko. He always wears that smile.
Nagulat din siya nang makita ako at saka tumawa ng bahagya.
"Eunice? Ikaw ha, mahilig ka pala sa dibdib ko. Nakaka-ilang tama ka na ba?" pabiro niyang sabi saka tinawanan ko na lang siya.
"Nasher, I didn't know you're here." I said.
He shrugged. "Well, pinapunta ako rito ng kapatid ko. You know, little sister masyadong spoiled." Sabay tawa niya.
Tumawa na lang ako ng bahagya at sandaling may naalala.
"Uh, do you see Kiel around?" tanong ko na nagbabasakaling makakuha ng information sa kaniya about Kiel.
Kuryosong tinignan niya ako saka ngumiti ng bahagya.
"Uy, bakit? Miss mo na noh?" tukso niya saka inirapan siya. Ayan na naman siya.
"Biro lang Eunice. Syempre palagi ko siyang nakikita, magkasama kami sa trabaho. Bakit?" tanong niya at ngumuso ako.
"Ah, wala lang. Naitanong ko lang, busy ba siya these past few days?"
"Yeah, he's too occupied with work, actually nagkaproblema pa nga sa kompanya eh. Tapos nagka-problema rin sa pamilya nila. Ewan ko ba, he's too stressed lately. Kailangan niya ata ng pampagana." Saka nginitian ako ng nakakaloko. Ibang-iba siya kay Arkiel. Pinsan niya ba talaga 'tong si Nash?
"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong ko trying not to sound so desperate.
"Uyy, bakit? Pupuntahan mo ba?"
"Nasher." banta ko saka tumawa siya.
"Biro lang ulit. Nasa condo siya ngayon, walang kasama." He said.
Napaisip tuloy ako kung bibisitahin ko kaya siya ngayon or bukas na lang? Pero kung bukas naman hindi na ako sure kung nandoon pa rin siya at baka may lakad siya bukas.
I decided to asked Nasher about Kiel's address and I immediately went to the parking lot where Manong Roy's waiting.
"Manong, daan po muna tayong drive thru." I said and we headed to one of the past food restaurant nearby. Nagdrive thru lang kami para hindi hassle na bumaba pa ako.
Nag-order ako ng dalawang burger and fries kasama na rin para kay Manong Roy. Then I told him the address that Nasher gave me a while ago.
"Manong pakidala na lang po itong gamit na binili ko sa bahay. Tatawagan ko na lang po kayo kung uuwi na ako." I said before I stepped out of the car.
Tumango na lamang si Manong Roy at nagpaalam na rin. Tinignan ko ang ang matayog na building sa aking harapan. Labis ang aking kaba habang hawak-hawak ang paper bag na may lamang pagkain. This is my first time going to a guy's house! Pumasok ako sa loob at pinindot ang floor kung nasaan ang condo ni Kiel.
Pagkabukas ng elevator ay lumabas agad ako at huminga ng malalim. Kinakabahan ako at the same time excited na makita siya.
Nasa tapat na ako ng pinto ng condo unit ni Kiel and I don't know kung kakatok ba ako or aalis na lang. Pero sayang naman ang ipinunta ko rito sa wala. I badly wanted to see him.
I braised myself up and knocked at his door. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot. Kumatok ako ulit and ilang segundo pa at may narinig akong yapak na papalapit galing sa loob.
Bumukas ang pintuan at nakita ko siyang kunot noo na binuksan iyon. Pero nang makita niya ako ay nanlaki ang kaniya mata at para bang hindi makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.
"Hi." I muttered softly and smiled at him.
He looks so tired and stressed. I can see the dark spot under his eyes nevertheless; he still looks good even with his plain black shirt and a sweat short. Basa pa ang kaniyang buhok na siguro ay kakaligo niya lang.
His face suddenly softened and nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Nasa may pinto pa rin kami habang nakayakap siya akin. Inilapit pa niya ako sa kaniya at niyakap ako. I smiled and hugged him back.
"I miss you." He uttered under his breathe while hugging me.
We stayed that way for a while. Parang ayaw na niya akong bitiwan. Kalaunan ay kumalas na siya sa pagyakap sa akin ngunit hindi pa rin siya nakakalayo. Ang lapit-lapit niya sa akin. I can already smell his body soap and I can feel his breathing.
He rested his forehead on mine and closed his eyes while his arms are wrapped on my waist. Tinignan ko siya at para bang pagod nga talaga siya. Tinitigan ko lang ang mga mata niyang nakapikit hanggang sa unti-unti itong dumilat. We looked at each other's eyes and I can't contain my breath anymore dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. We are breathing the same air.
"Kiel..." I called him softly.
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan.My heart beats faster and I couldn't contain my feelings right now. Halo-halong emosyong ang nararamdaman ko dahil sa mga labi naming nakalapat ngayon. At first, he didn't move his lips, and then it slowly move as if begging for an entrance.
I slowly closed my eyes and open my mouth to welcome his kiss. He continue kissing me and I kissed him back. The kiss was soft and slowly, like he tastes every bit of my lips, my tongue and my mouth. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero sumasabay lang ako sa paghalik niya sa akin.
He pulled me closer to kiss me deeper and hinigpitan ko ang paghawak sa paper bag na kanina ko pa hawak-hawak while my other hand were on his arms holding him tightly.
We pulled back together as I chased for air. Pareho kaming hinihingal na nakatingin lamang sa isa't isa.
"I'm sorry - " he didn't get to finish what he's about to say as I pulled him again for another kiss.
Nagulat pa siya sa ginawa ko pero it didn't last long. This time I kissed him deeply as he kissed me back. Next thing I know, nakapasok na pala ako sa loob ng condo niya and I didn't even noticed hi closed the door behind me. Tumagal pa ang halik pero kalaunan, I pulled back from the kiss and gasped for air.
"I like you," I muttered under my breath as I looked at his eyes.
Nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Does this mean, sinasagot mo na ako?" he asked while still holding me.
I nodded as a response and smiled.
"We are official right now?" he asked again as if he can't believe it.
"Yes, we are officially together Architect Ruste." I said and smiled at him. He suddenlt hugged me again and I did the same.
"Thank you." He said and pulled from the hug.
"Kain tayo?" I said as I lift up the paper bag that was almost crumpled due to my grip earlier. Tumango lang siya saka naglakad kami patungong kusina niya.