Chapter One

9.5K 210 12
                                    

NANGGAGALAITI si Sabrina nang may unregistered number na naman na tumatawag sa kanya. Gayunpaman ay sinagot niya ito.

"Bakit mo pinayagang lumayo sa 'yo si Ace? Magsisisi ka. Maraming babae ang matutuwa. Isa na ako roon," sabi ng ekstrangherong babae.

"Who are you, bitch?" gigil na tanong niya.

"Isa lang naman ako sa babaeng nakarelasyon ni Ace. Hindi mo alam 'yon kasi akala mo, matino siyang lalaki. Hindi ka ba nagtataka sa husay niya pagdating sa kama? Dahil matagal na niya iyong gawain bago ka pa niya nakilala or maybe, hindi lang ikaw ang tinatrabaho niya."

Pakiramdam niya'y umusok ang ilong niya sa inis. "I don't care! Wala na akong koneksiyon kay Ace, so stop bothering me!" asik niya.

"Good girl. Mabuti natauhan ka na!"

Hindi na siya nagsalita. Pinutol na niya ang linya. Dahil sa mga estrangherong caller na gumugulo sa kanya ay tuluyan na siyang naniwala sa Kuya niya na hindi mapagkatiwalaan si Ace. Nagpapasalamat siya dahil bago pa maglabasan ang issue tungkol sa lalaki ay nagdesisyon na siyang makipaghiwalay rito. Sa naglipas na anim na buwan simula noong umalis papuntang Florida si Ace ay na-realize niya na hindi na ito kawalan sa kanya.

Na-realize niya na hindi naman siya in love dito bagay na paghihinayangan niya. Nagpapasalamat pa rin siya sa magandang alaala na naranasan niya rito. Naisip niya, wala ring patutunguhan ang relasyon nila gayung sa simula pa lang ay ayaw na rito ng Kuya niya, na buong buhay niya ay naging sunud-sunuran siya rito. She pretty sure, she doesn't care about Ace. It's been a year since he left and the years still running so fast.

Hindi na niya namalayan ang paglipas ng panahon. Nakapagtapos na siya ng pag-aaral, nakapag-trabaho sa ospital at nakatagpo ng mga lalaking nagpapasaya sa kanya...

PAGBUKAS ni Sabrina ng kanyang locker ay nagulat siya nang tumambad sa kanya ang tatlong tangkay ng pulang rosas na may nakakabit na greetings card.

Kinuha niya ang bulaklak at binasa ang nakasulat sa card na sulat kamay. Hindi man lang ginandahan ang penmanship pero naintindihan pa rin niya..

"My day wasn't perfect without seeing your beautiful face.

Every time I see you, my heart pounding so hard

Your presence inspired me to study hard

Only your smile catches my attention and pushing my heart to fall in love with you"

Mr. Pink

Kunot-noong napangiti si Sabrina matapos mabasa ang mensahe mula sa kanyang secret admirer. Hindi niya akalaing may lalaki pa palang katulad ni Mr. Pink na old style ang panliligaw. Kung para sa iba ay diskarte ng mga torpe ang style ni Mr. Pink, para sa kanya, napaka-romantic pa rin ng dating nito.

Na-curious siya kay Mr. Pink. Clueless at natitiyak niya na hindi niya kaklase ang lalaki o isang nursing student. While re-reading the message, her mind dreaming about the opportunity for having a boyfriend. Eighteen years old na siya. Naiinggit siya sa mga kaklase niya na may mga boyfriend. Nakikita kasi niya na masaya ang mga ito. Naisip niya, wala namang masama kung susubok siyang makipagrelasyon sa lalaki.

Nang makapagbihis ay kaagad siyang nagtungo sa clinic upang humingi ng pain reliever para sa kanyang dysmenorrhea. Wala na siyang papasukang subject kaya nagdesisyon siyang umuwi na lamang.

Pagdating niya sa garahe ay kaagad niyang nilapitan ang kanyang scooter. Kung kailan sasakay na siya ay saka lamang niya napansin na kulang sa hangin ang gulong ng scooter sa likuran. Lilinga-linga siya sa paligid. Natigilan siya nang mapansin ang lalaking binubomba ng hangin ang gulong ng motor siklo nito. Dagli niya itong nilapitan.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon