Epilogue

8.2K 251 45
                                    

UNANG beses na nagpakonsulta si Sabrina sa OB-GYN. Nahiya pa siya nang piliin ni Ace si Dr. Eliza na siyang OB niya. Nawindang din siya nang aminin ng dalagang doktora na matagal na nitong alam na mahal siya ni Ace. Ah, hindi pala totoo ang suspetsa niya dati na may gusto ito kay Ace. That's good news.

Five mouths na ang baby ni Sab sa kanyang sinampupunan. Two weeks after her marriage to Ace, she started to feel common morning sickness. Nabuo na ang baby bago sila nagpakasal. Nabitin pa ang asawa niya sa honeymoon nila dahil pinagbawalan na niya ito na galawin siya. But of course, she wants him to be healthy, so she still working for him, kahit blow job lang. Masaya naman ito.

Simple ang ang kasal nila na ginanap lang sa bahay nila. As usual, hindi nakadalo ang mga De Silva. Nakauwi na ng bansa si Hance at hindi nito tinapos ang medication nito. Matigas talaga ang ulo. Pero sa huling pagkikita nila with Ace ay okay naman ito, binati pa nga sila. May progress naman daw ang amnesia nito at ayon kay Forena ay may ibang pinagkakaabalahan ang lalaki. May bago atang kinalolokohang babae. Good news iyon para sa kanya.

Samantalang dumalo naman sa kasal niya si Savannah. Kinuha pa niya itong ninang ng anak niya.

"Wow! It's a boy!" anunsiyo ni Eliza nang makita na ang kasarian ng baby nila ni Ace.

"Yes, I won!" sigaw naman ni Ace.

Inirapan ni Sab ang asawa. Nanalo ito sa pustahan nila. Ang gusto talaga niya ay baby girl. "I hate you!" nagtatampong angil niya rito.

Tawang-tawa naman sa kanila si Eliza. Nilapitan siya ni Ace, habang nakahiga pa rin siya sa hospital bed. Hinalikan siya nito sa tungki ng kanyang ilong.

"Babe, huwag ka nang magtampo. Marami pa naman akong sperm cells, so we can make love again to make more baby. Baka next time, babay girl na," sabi nito.

Kinurot niya ito sa tagiliran. Dumaing ito. "Ayaw ko na! Maghiwalay na tayo!" she teased him.

"Baby naman. Ang hard mo sa akin," angal nito.

"Tse!" Tumayo na siya at nagbihis.

Ibinigay sa kanya ni Eliza ang result ng ultrasound. Napaluha siya sa tuwa nang makita ang baby niya sa film na ibinigay ni Eliza. Nakuhaan pala ni Ace ng video ang monitor nang tinitingnan pa lang ni Eliza ang sinampupunan niya. Tuwang-tuwa siya nang makita ang paggalaw ng anak niya.

"Congrats for both of you! Don't forget me sa binyag ni baby boy, ah?" sabi naman ni Eliza.

"Sure, ikaw pa ba mawawala?" ani Ace.

"Ililista na kita, Doc," apila naman niya.

Tumawa lang ang doktora.

Pagkagaling sa ospital ay dinalaw nila ang Mama niya para ipaalam ang magandang balita. Gusto rin ng Mama niya ng babaeng apo sa kanya pero masaya pa rin ito sa resulta. Doon na sila naghapunan sa family house nila.

Kahit papano ay naging magaan ang pagsasama nila ni Ace bilang mag-asawa. Hindi dumalo sa kasal niya si Sam pero nitong nakaraang buwan lang ay kinausap na siya nito at nag-sorry. Masaya rin ito sa naging kapalaran niya at buong pusong tinanggap si Ace para sa kanya.

Simula noong naikasal si Sabrina kay Ace ay hindi na siya nito pinabalik sa trabaho. Okay naman dito ang pagbisita niya sa real estate related business nila pero hindi ito pumayag na mag-full time siya sa opisina lalo na't lumalaki na ang baby nila.

Kinabukasan ay hindi pumasok sa trabaho si Ace para lang yayain siyang mag-shopping. Mas excited pa ito sa kanya sa paglabas ng baby boy nila. Ito lahat ang namili ng mga gamit para sa unang anak nila. Halos advance lahat ng gamit na napili nito, mula damit at mga laruan. Doble ang pag-aalaga nito sa kanya since naikasal sila. Halos wala na nga siyang ginagawa sa bahay. Nag-hire pa ito ng katulong para gumawa sa ibang trabaho sa bahay at siyempre, future yaya na rin ni baby Aces.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon