Chapter 21

2.8K 139 13
                                    

HINIHINTAY ni Ace ang huling pasyente niya na walang iba kundi ang Mama ni Sab. Inaasahan niya na si Sab ang kasama ng ginang pero nadismaya siya nang iba ang kasama nito. Ang tiyahin lang ng dalaga ang gabay ng ginang na tumutulak sa wheel chair. Hindi niya napansin si Sab sa ospital, o baka day off nito.

"Long time no see, Doc.!" masiglang bati sa kanya ni Susana nang tumigil ito sa tapat ng mesa niya.

"Oo nga po. Hindi kayo nakapunta noong nakaraang linggo," sabi niya.

"Ano kasi, may problema sa pamilya namin. Hindi ko kasi maabala ang anak ko," anito.

"Si Sabrina? Nasaan po siya? Parang wala siya rito sa ospital," pasimpleng tanong niya. May tatlong araw na rin niyang hindi nakikita ang dalaga.

"Nag-leave kasi siya para pagbigyan ang fiance niya na magbakasyon sa Boracay. Dalawang araw na sila roon," sagot naman ng ginang.

May kung anong mabigat na bagay na bumundol sa dibdib ni Ace. Dapat ay hindi na siya nagtanong, nasaktan lang siya. Ini-imagine pa lang niya kung ano ang ginagawa ng dalaga sa Boracay ay parang mababaliw siya. Mukhang desidido na si Sab na tanggapin si Hance. Hindi matanggap ng ego niya ang naisip.

"Ilang beses ko nang sinabi kay Sabrina na tawagan ka niya at tanungin kung puwede mo akong dalawin sa bahay. Sinabi ba niya sa 'yo, Doc.?" sabi ni Susana.

Bumuga siya ng malalim na hininga. Walang sinabi si Sabrina tungkol sa check-up ng Mama nito. Paano nga naman nito sasabihin eh ayaw nga siyang kausapin?

"Wala naman pong nabanggit sa akin si Sabrina. Hinihintay ko nga po na kausapin niya ako. Ayaw ko namang basta na lang pumunta sa bahay ninyo baka wala rin kayo," sabi lamang niya.

"Hay! Makalimutin na talaga ang batang iyon," anang ginang.

"Baka marami lang po siyang iniisip," komento niya.

"Oo nga. Ewan ko ba sa anak ko na 'yon. Nitong nagdaang mga araw ay napansin ko na ang weird niya. Hindi na siya sumasabay sa akin kumain tuwing gabi. Pag-uwi niya mula trabaho ay deretso kaagad siya sa kuwarto. Malimit na rin siya nakikipagkuwentuhan sa akin," kuwento ng ginang saka ito bumuntong-hininga.

"Bakit po? Hindi po ba siya masaya sa buhay niya? What about his fiance?" usisa niya, kunwari hindi siya involve sa buhay ng anak nito.

"Kuwan, naintindihan ko naman kasi inamin niya sa akin na hindi naman niya mahal ang boyfriend niya. Kahit sabihin niya na ginagawa niya ang lahat para magustuhan ang lalaki, alam ko nahihirapan siya. Naisip ko nga minsan, baka may ibang lalaki na kinalolokohan ang anak ko."

"Baka mahal pa rin niya ang ex-boyfriend niya?" aniya.

"I asked her about that but she said it was not her ex-boyfriend. Ayaw niyang magkuwento sa akin pero feeling ko talaga ay may kinalolokohan siyang ibang lalaki. Kilala ko ang anak ko kapag in love," sabi pa ni Susana.

"In love siya? Baka sa boyfriend niya ngayon."

"No, I'm sure may ibang lalaki," umiling-iling ang ginang. "Naku, napa-tsismis na ako sa 'yo, Doc. Sorry, ah?" pagkuwan ay sabi nito.

Ngumiti siya. "Okay lang po. Anyway, I will check your condition," wika niya saka siya tumayo at nilapitan ang ginang.

Hindi siya makapag-focus. Palaisipan pa rin sa kanya ang mga binaggit ni Susana hinggil kay Sabrina. Nag-assume talaga siya na nai-in love na sa kanya si Sab. Napansin niya itong nag-blush noong nagtagpo sila sa surgery ward. Lalo na nang angkinin niya ito sa loob ng elevator. Ramdam niya ang passion sa mga halik ng dalaga. Ramdam niya na hindi iyon basta pagnanasa lang.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon