Chapter 5

4.3K 166 17
                                    

FEELING ni Ace ay biglang bumagsak ang appetite niya. Nawalan siya nang ganang kumain. Lalo lamang siyang naguguluhan sa nararamdaman niya nang malamang ikakasal na si Sabrina sa boyfriend nito. Naroon ang side niya na gustong magwala at magwelga. Pero umiiral pa rin ang pagka-professional niya.

Unang-una; wala na siyang karapatan kay Sabrina. Matagal nang natapos ang relasyon nila. Pangalawa; hindi naman siya nito mahal o minahal kahit minsan. Pangatlo; wala siyang bilyones sa banko na puwedeng ipantapat sa bilyonaryo nitong boyfriend. Base sa pag-aaral niya sa sitwasyon ni Sabrina, obvious na dahil sa pera kaya nito tinanggap ang lalaking ipinilit ng pamilya nito sa kanya. Na-curious tuloy siya sa boyfriend nito.

Hindi siya nagpakita ng anumang pagkadisgusto sa kanyang natuklasan, but deep inside, her heart won't stop protesting. Noon niya unti-unting napapatunayan na in love pa rin siya kay Sabrina. Actually, saka na niya nalaman iyon noong lumayo siya sa dalaga. Aminado siya na noong magkasama pa sila bilang magkasintahan ay nag-uumapaw ang pagnanasa niya rito, lalo na noong una niya itong natikman sensually.

Shit! What the hell are you thinking, Ace? Sita niya sa sarili.

Pauwi na si Ace lulan ng kanyang auto. Hindi na sila nakapag-usap ni Sabrina matapos ang hapunan. Bigla na lang kasi itong nawala. That awkward night was also a nightmare for him. Hindi na dapat siya nakipagbiruan sa Mama ni Sabrina. Nasaktan lang ang ego niya. Pero nakatulong ang senaryong iyon upang gisingin tunay niyang nararamdaman.

Maagang pumasok sa ospital si Ace dahil hindi makakapag-report si Dr. Sebastian na senior Orthopedic Surgeon. Ito rin ang mentor niya sa ospital. May naka-schedule itong pasyente na isasalang sa bone surgery. Siya ang tinawagan nito para pumalit dito. May emergency matter sa pamilya ni Dr. Sebastian kaya hindi ito maka-report.

Mabuti hindi naman critical ang pasyente. Isa itong twenty year old guy na nasangkot sa road accident lulan ng motorsiklo. Kailangang lagyan ng metal ang buto nito sa kanang braso na may nabasag na buto.

Inabot din ng halos kalahating araw ang ginugol niya sa operasyon. Na-drain ang lakas niya kaya paglabas ng operating room ay kaagad siyang dumeretso sa cafeteria ng naturang ospital. Eksklusibo lamang iyon para sa mga empleyado.

Wala siyang baong pagkain kaya bumili siya sa labas. Naubusan na rin ng pagkain ang cafeteria. Pagbalik niya ay tinawag siya ni Dra. Eliza Saavedra. Isa itong Pediatrician. Dalaga pa ito at magkaedad lang sila. Halos sabay silang nag-apply sa ospital na iyon. Katulad niya'y single pa ito. Madalas silang tuksuhin ng mga senior doctors pero dedma lang. Mukhang ganoon din si Eliza.

Sinamahan niya ito sa inukupa nitong mesa. Nagmemeryenda ito ng pancit palabok at in can pineapple juice. Ito ang pinakabatang doktor na babae na katrabaho niya. Maganda ito, maputi at tsinita. Ayon dito ay Chinese ang lola nito sa father side.

"Late na ata ang lunch mo, Doc.?" untag nito.

"Katatapos ko lang mag-opera ng pasyente. Hindi kasi naka-report si Dr. Santiago," sagot niya. Sinimulan na niyang sumubo. Talagang malalaking subo.

"Oh, kaya pala hindi kita nakita sa doctors' office kanina."

"Dapat nasa OPD ako kanina pero biglang nabago. Mag-a-out din ako mamayang three o'clock. May o-operahan din akong pasyente sa private hospital sa Alabang," sabi niya.

"Wow! I thought you are just working in here. Nagdu-duty ka rin pala sa ibang hospital?" manghang komento ni Eliza.

"Yap. I have college friend na doktor din na naghikayat sa akin. Actually, dalawang government hospital sa Metro Manila ang pinupuntahan ko for OPD."

"Ang lakas mo, ah. Iba na talaga kapag sa ibang bansa nakapagtapos ng medisina."

"I didn't mind that, but let's say it was additional factor."

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon