ISANG linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagkakamalay si Hance, pero sinabi ng doktor na stable na ang lagay nito. Hihintayin na lang itong magising para mas madaling ma-monitor ang status nito.
Napagkasundun ng parents ni Hance na kapag nagising na ito ay dadalhin ito sa Florida para doon ipagamot ang iba pang problema sa kalusugan nito. Pumayag si Sabrina na sumama sa mga ito para na rin maganpanan ang papel niya sa buhay ng binata. Kahit papano ay nakakatakas siya sa sakit na kinikimkim niya sa kanyang puso.
Nakapag-file na siya ng resignation letter sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Hindi kasi siya sigurado kung gaano sila katagal sa Florida. Nabanggit din ng mag-asawang De Silva na kapag tuluyan nang gumaling si Hance ay doon na sila magpapakasal sa Florida. Hindi na siya komontra pa since mas nauna nang napagkasunduan iyon ng side niya at parents ni Hance.
Sabado ng umaga pagdating ni Sabrina sa hospital ward na inuukupa ni Hance ay naabutan niya roon ang isang babae. Maganda ito, matangkad at balingkinitan ang katawan. Nakasuot ito ng puting blouse at gray skirt. Nakatayo ito sa uluhan ni Hance habang serysong nakatitig sa walang malay na binata.
"Excuse me?" pukaw niya sa atensiyon ng babae.
Nagulat naman ito at dagling pumihit paharap sa kanya. Kunot-noo itong nakatitig sa kanya, tila kinikilala siya. Hindi naman ito nurse. O baka isa rin sa kaanak ni Hance na sandaling bumisita. Habang nakatitig siya sa mukha ng babae ay tila may hindi mawaring emosyong nadama niya sa kanyang puso. The girl looks familiar. Just familiar.
"Hi! Good morning!" nakangiting bati sa kanya ng babae. She was stunning and has a sharp smile but sweet.
"Hello! Where's Tita Forena?" ganti niya saka nagtanong.
"Uhm... lumabas lang siya sandali para kausapin ang doktor," sagot nito.
"And you?" aniya.
"Uh, I'm Savanna Hilton, a new executive secretary of De Silva group. Pumunta ako rito para ipapirma sana ang importanteng papeles kay Sir Hance kaso hindi pa pala siya nagkakamalay," sabi nito.
Tatangu-tangong lumapit siya kay Hance. Napansin niya na gumalaw ang hinliliit ng binata sa kamay.
"He's awake!" bulalas niya.
"Really? I'll call madam Forena!" sabi naman ni Savanna saka patakbong lumabas.
Tuluy-tuloy na ang paggalaw ni Hance hanggang unti-unti itong magmulat ng mga mata. Dumating naman ang doktor at si Forena. Hindi na nakabalik si Savanna, marahil ay pinabalik na ito ni Forena sa opisina. Nakatayo lang siya sa tabi ni Forena habang kinakausap ang anak nito.
"Thanks God you're awake, son! How's your feeling?" anang ginang.
Gumala ang paningin ni Hance sa paligid. Sinipat siya nito pero kaagad ding bumalik ang tingin sa ina nito.
"Where is she?" tanong ni Hance.
"Who? Sabrina is here," sagot ni Forena saka siya hinila palapit dito.
Tiningnan din siya ni Hance. Umiling ito. "She's not what I mean," wika nito.
Nagkatiningan sila ni Forena. Pati ang doktor ay nagtataka. "Doc., is there a problem with my son? Why he can't recognize his fiancee?" hindi natimping tanong ni Forena sa doktor.
"Sorry, Mrs. De Silva, I think we need more test for him to find out what is wrong. Just wait for me here," anang doktor saka sila iniwan.
Muli namang kinausap ni Forena ang anak nito. "Hance, I'm your mother, remember me?" tanong nito.
"Mother?" kunot-noong untag ni Hance. Naloko na. Nagka-amnesia pa ata ito.
"You don't remember me? I'm Forena, your mother and the girl beside me was Sabrina, your fiancee," pilit ipaalala ng ginang.