Chapter 24

3K 143 18
                                    

HINDI mapakaling palakad-lakad sa labas ng ICU si Sabrina. Nadala naman kaagad sa malapit na ospital sa Alabang si Hance. Inabot na sila ng alas-dos ng madaling araw roon. Mamaya ay sumugod na roon ang mga magulang ng binata.

"What happened, Sab?" natatarantang tanong sa kanya ni Forena.

Binabalot pa rin ng takot ang puso niya. Natatakot siya magkuwento, siguradong siya ang sisisihin ng mga ito. Pero gusto na rin niyang maglabas ng saloobin.

"Nagtalo kami ni Hance, tita. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya kaya tinakasan ko siya. Tumakbo ako pero hinabol niya ako kaya siya nasagasaan," balisang kuwento niya.

Inalalayan siya nitong umupo sa bench. Hinagod nito ang likod niya. "Ano ba ang pinag-awayan ninyo?" mahinahong usisa nito.

Hindi niya alam kung paano ipaliwanag sa ginang ang nangyari. "N-nagalit siya sa akin dahil nakipag-usap ako sa ex-boyfriend ko. Nagkumustahan lang naman kami at walang ibang ibig sabihin 'yon. Nag-eskandalo na siya at gusto niyang saktan si Carlos. Hindi ko naman ini-expect na magkikita kami ni Carlos sa bar," kuwento niya.

"Dapat iniwasan mo na lang 'yong ex mo, Sab," sabad naman ng Daddy ni Hance.

Naiinis siya na tila kinukonsinti pa nito ang anak nito. "Sumusobra na rin kasi si Hance, Tito. Masyado siyang biyolente. Nadismaya ako sa kanya. Hindi ko alam na ganoon siya kabayolente," hindi natimping pahayag niya.

Mabuti pa si Forena, naiintindihan siya. Ito na ang humingi ng tawad sa kanya. "It's okay, hija. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng anak ko. Please, bigyan mo siya ng chance. Kaya lang naman nagkakaganoon si Hance dahil sa sobrang pagmamahal niya sa 'yo. Kapag nasasaktan siya, bumabalik siya sa dati na masyadong bayolente. Pero maniwala ka, mabuting anak si Hance. Napakabait niyang bata. I think hindi naging maganda ang epekto sa kanya ng pag-spoiled namin sa kanya." Naging emosyonal ang ginang. Naingganyo siyang makinig dito.

"Hindi ko pa po lubos na kilala si Hance, kaya hindi ko alam kung paano mag-adjust sa kanya. Feeling ko kasi ay sakal na sakal na ako," sabi niya.

"Hance was lack of attention. Dahil sa sobrang busy naming mag-asawa, madalas ay nawawalan kami ng time para sa kanya. Noong tumira siya sa Florida kasama ang grandparents niya, lalong hindi namin siya natutukan. Lalo siyang napariwara. High school pa lang siya noong napasama siya sa barkada niya na lulong sa droga. Inamin niya na minsan na siyang sumubok gumamit ng bawal na gamot pero tumigil din siya. Maliban doon, bata pa lang si Hance ay mayroong na siyang mental condition, gusto niya palaging mag-isa. Mabilis uminit ang ulo niya, malimit siyang magsalita at kapag naiinis siya o galit ay naninira siya ng gamit. Sinasaktan niya ang mga kalaro niya o kahit ang yaya niya. Pero habang lumalaki siya, unti-unti rin siyang nagbabago. I thought he was changed, but I don't know. Bumabalik na naman siya since nakilala ka niya. Sobrang obsessed siya sa 'yo. Ayaw kong bumalik siya sa dati kaya sinuportahan ko siya," mahabang kuwento ng ginang hinggil sa pagkatao ni Hance.

Nababag ang damdamin ni Sabrina. Sa mga sandaling iyon ay awa ang nararamdaman niya kay Hance. "I'm sorry, Tita, I don't have an idea about him. Natakot na ako sa kanya. Sorry but I can't love him," emosyonal na pagtatapat niya.

"Hija... please, give him a chance," nagsusumamong wika ng ginang habang hinahaplos ang pisngi niya.

Uminit ang bawat sulok ng mga mata niya. Naawa siya kay Hance pero naaawa rin siya sa kanyang sarili. Pero nang masaksihan niya ang pagluha ng ginang ay namayani ang awa sa puso niya. Alam niya kung ano ang pakiramdam ng inang labis na nagmamahal sa anak dahil ganoon din ang kanyang ina. Gagawin nito ang lahat para sa ikabubuti ng anak.

"Alam mo ba na ngayon ko lang nakitang masaya si Hance? Noong tinanggap mo siya, hindi mo lang alam kung gaano siya kasaya. Ipinagmamalaki niya sa akin 'yon. Kaya masaya rin ako para sa kanya. Gusto kong manatili siya sa ganoong ayos. Ikaw lang ang nakakapagpatino sa kanya, Sab. Kung iiwan mo siya, hindi ko na alam kung paano siya paamuhin. Kahit ako na ina niya ay nahihirapan siyang kontrolin," tila nangongonsensya pang sabi ng ginang.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon