Chapter Twelve

3.2K 153 16
                                    

HINDI bibiguin ni Ace si Hance kaya kahit pagod mula sa trabaho ay pumunta pa rin siya sa anniversary party ng West Star Hotel. Hindi naman makakapunta si Alexa dahil may sakit ang anak nito at nagsisimula na raw itong maglihi para sa ikalawang anak nito. Ikinagulat niya ang balitang iyon. Ang bilis talaga ni Gaizer pagdating sa production.

Dahil sosyal ang party, nagsuot siya ng puting tuxedo. Lulan ng kanyang kotse ay dumeretso siya sa hotel. Tamang-tama lang ang dating niya dahil kasisimula pa lamang ng pagdiriwang. Kasalukuyang ginaganap ang pagdiriwang sa malawak na ballroom ng hotel sa pool and garden side. Ang daming tao. Mayroong orchestra at mga valley dancer na nagpi-perform. Nagniningning ang mga magagarang kasuotan ng kababaihan at dominating ang mga lalaki. Karamihan sa mga bisita ay mga political personnel, na malamang ay kasamahan ng Daddy ni Hance sa senado.

Kapapanalo lang ng Daddy ni Hance bilang senador. Isa itong abogado at ang businesswoman nitong ina ay nanalo bilang congresswoman sa Makati. Mahaba ang mesang nilalatagan ng samut-saring mga pagkain at nagkalat ang mga waiter na namimigay ng inumin.

Kumuha siya ng isang baso ng cocktail na dala ng waiter na dumaan sa tabi niya. Pagkuwan ay naglakad siya patungo sa lokasyon ng mag-asawang De Silva. Naroon din ang grandparents ni Hance na dumating mula Florida. Ang Lola ni Hance at ang Lolo niya ay magkapatid. Nagmula ang angkan ng mga ito sa Laguna. May mga malalawak na lupain din ang mga ito roon. Ang Lolo naman ni Hance ay isang Italian national.

"Ace, hijo!" tawag sa kanya ni Forena De Silva na Mommy ni Hance.

Lumapit siya sa mga ito. Kaagad naman siyang niyakap ni Hellario na siyang Daddy ni Hance. Gustung-gusto siya nito kahit noong bata pa siya. Palagi siya nitong hinihiram sa magulang niya para doon siya tumambay sa bahay ng mga ito kasama ni Hance. Isang buwan lang ang tanda niya kay Hance kaya magkasundong-magkasundo sila.

"Dr. Ace San Diego?" untag naman ni Lola Gracia, lola ni Hance.

Niyakap din siya nito at ni Lolo Casemero, lolo ni Hance. "You're so handsome, hijo," puri naman ni Lolo Casemero.

"Thanks, sir. And Lola Gracia, I'm not a doctor now. You can call me that when we meet in the hospital," sabi niya sa matandang babae.

Kinurot siya nito sa tagiliran. "You're so humble, Ace. I'm glad to see you again," ani Lola Gracia.

"Me too, lola. Actually, pinilit ako ni Hance. May special announcement daw siya na hindi ko puwedeng ma-miss," aniya.

"Ano'ng announcement?" takang tanong naman ni Forena.

Kumibit-balikat siya. "I don't know. Let's see. Baka surprise," sabi niya.

"Aba, may pa-surprise-surprise nang nalalaman si Hance ngayon, ah. Loko 'yon," si Lola Gracia.

"Baka magpo-propose na sa kanyang girlfriend," komento naman ni Hellario.

Tuwang-tuwa si Lola Grancia. "Mabuti kung gano'n! Gusto ko na talagang magpakasal ang apo ko. Excited na akong makilala ang masuwerteng babae. Natitiyak ko na karapat-dapat siya sa ating pamilya," magiliw na wika nito.

Nakikita rin ni Ace ang saya sa mukha ng mga magulang ni Hance. Baka nga tama ang hinala ni Hellario. Baka nga magpo-propose na si Hance sa girlfriend nito. Pero bakit parang hindi siya masaya?

Nagsisimula na ang mga palabas na inihanda ng pamunuan ng hotel. May sikat na singer na kumakanta sa entablado. Napupuno na ng mga tao ang malawak na function room pero hindi pa rin niya nakikita si Hance. Ito na lang ang hinihintay ng lahat para sa inihandang speech nito.

Mamaya ay namataan na niya si Hance na kararating suot ang plantyadong Amerikana nito. Deretso ang lakad nito patungo sa kinaroroonan nila. Malapad ang ngiti nito at halatang masayang-masaya. Nagkadaupang-palad sila nang salubungin niya ito.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon