Chapter Thirteen

3.2K 139 22
                                    

PARANG ayaw nang bumalik ni Sabrina sa party pero wala siyang choice. Si Sam pa ang naghanap sa kanya at pinabalik siya sa puwesto nila. Nang magsayawan ang ibang bisita ay niyaya naman siya ni Hance na sumayaw sa gitna ng dance floor. His hands on her slender hips and her hands are on his shoulders.

Panay ang sipat niya sa paligid. Hindi niya makita si Ace. Hinawakan ni Hance ang baba niya saka inangat ang kanyang mukha. Ibinalik niya ang tingin sa guwapo at kalmado nitong mukha. He smiles at her.

"Who are you looking for, sweetie?" he asked.

Umiling siya. "Nothing," tipid niyang sagot.

"Are you not happy?" anito.

Pilit siyang ngumiti. "I'm happy. The place was elegant and classy. I love the ambiance," tugon niya. Hindi na talaga siya komportable.

"Let's enjoy the romantic music first and later, I have an important announcement," sabi nito.

Kinabahan siya. Ano'ng announcement kaya iyon?

Pagkatapos kumanta ng babaeng singer ay hiniram ni Hance ang mikropono nito. Binalikan siya nito sa gitna ng dance floor saka ito nagsalita.

"Attention everyone!" tawag nito sa atensiyon ng mga bisita.

Tumingin naman lahat ng tao sa kanila. Napapalibutan sila ng mga bisita at nag-aabang ang mga ito ng mahalagang announcement ni Hance. Ang iba ay curious, pero karamihan ay excited, lalo na ang parents ng binata na nanunuod sa kanila. Parang tuod lang si Sabrina na nakatayo sa tabi ni Hance. Deretsong napatingin siya sa dulo ng function room sa may dulo ng red carpet. Mukhang palabas na ito pero natigilan siya nang marinig na nagsalita si Hance. Marahil ay nag-aabang din ito sa announcement.

"Guests, my staff and especially my parents, tonight were a very special night for me. Also, I would take this opportunity to introduce to you the lucky lady I had chosen to marry with. In front of you, all of you, I want you to be the witness of this amazing night. Tonight, I decided to propose a marriage for my lovely girlfriend, Sabrina Alvares, the only girl I love for almost a decade," Hance announced and he face her. He then kneels down on the floor, taking her right hand and she saw an elegant gold engagement ring.

She was shocked, confused and scared. Nanginig siya at hindi malaman ang kanyang gagawin. Tulalang nakatitig lang siya kay Hance. Pakiramdam niya ay malulusaw siya sa tindi ng frustration. Umugong sa pandinig niya ang ingay ng mga tao.

"Sabrina Alvares, my love, will you marry me, sweetie?" he romantically asked her.

Lalong nangatog ang mga tuhod ni Sabrina. Isang pagkakamali lang niya ay sira ang gabing iyon. Hindi siya makapagdesisyon. Nag-angat siya ng mukha at inilibot ang paningin sa paligid. Sa dami ng taong naroon, wala siyang ibang nakita kundi si Ace na nakatayo pa rin sa puwesto nito kanina, seriously looking at her, waiting for her answer.

Natataranta ang utak ni Sabrina. Nilamon siya ng takot at hindi na niya ramdam ang presensiya ng paligid. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang magpakasal kaagad kay Hance. Nawalan na siya ng pakialam sa paligid nang ibalik niya ang tingin kay Hance na naghihintay sa sagot niya.

"H-Hance... I-I'm sorry, I'm not ready," nanginginig ang tinig na sagot niya.

Ang matamis na ngiti ni Hance ay biglang naglaho. Sandaling nanilim ang mukha nito pero kaagad din nito iyong naitago. Tumayo ito at hindi alintana ang labis na pagkapahiya.

"It's okay, sweetie, I'm willing to wait. At least alam mo kung ano talaga ang gusto ko. Saksi ang lahat ng tao rito kung gaano ako kaseryoso sa pag-ibig ko sa 'yo at umaasa ako na hindi masasayang ang lahat," sabi nito sa kanya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon