Chapter Ten (SPG)

6.9K 192 17
                                    

NAALARMA si Sabrina nang abalahin siya ng agarang paninigas ng kanyang mga dibdib nang sagiin iyon ng matipunong dibdib ni Ace. Nahimasmasan siya. Itinulak niya si Ace saka siya tumakbo palayo sa dance floor.

Wala siyang ibang gustong gawin kundi lumayo sa lugar na iyon. Subalit paglabas niya ng bakuran ay narinig niya ang boses ni Ace.

"Sab, wait!" pigil nito sa kanya.

Maraming kotse na nakaparada sa labas ng bahay nila Maya pero wala siyang makitang pagala-galang tao sa labas o kahit pumapasadang anumang maaring sakyan. Nakarating na siya sa bahagi kung saan may huling kotse na nakaparada. Nagulat siya nang tumunog iyon, na parang nabuksan gamit ang remote nito.

"I'll take you home," sabi ni Ace nang makalapit ito sa kanya.

Natataranta siya. Natataranta siya dahil alam niya na anumang sandali ay muli siya sasalakayin ng pagnanasa. Ramdam pa rin niya ang init at pananabik sa kanyang kaibuturan.

"I can go home alone, Ace, let me go!" pagmamatigas niya.

"Wala kang masasakyang pumapasadang sasakyan sa lugar na ito. Wala akong kotse pero pinahiram sa akin ni Franco ang kotse niya," pilit nito.

"No! Please, stay away from me!" asik niya rito.

Ngumisi si Ace. "Not this time, baby. I know how much you want me too," panghas na sabi nito.

"Fuck you! It's not gonna be happen again, Ace! Kung tungkol pa rin ito sa nakaraan natin, please, tama na 'yon," samo niya.

"For you, yes, but it's hard to me to let you go. I'm sorry, akala ko okay na ako, na tanggap ko nang wala na tayo pero mali ako. Nang makita kita ulit, muli akong inusig ng damdamin ko at heto na naman ako, parang walang nabago," pursegidong pahayag nito.

"I won't believe you," giit niya.

"You should and I will prove to you. Sab..." hinawakan nito ang mga kamay niya.

Itinulak niya ito pero pakiramdam niya'y walang lakas na lumabas mula sa kanya. Sa halip na maitulak ito palayo ay siya ang naitulak nito pasandal sa gilid ng kotse. Mukhang kotse nga iyon ni Franco dahil nagawa iyong buksan ni Ace gamit ang munting remote na nakakabit sa susi na hawak nito.

"A-Ace..." nauutal na sambit ni Sabrina nang igiit pa ni Ace ang katawan nito sa kanya.

Alam niya na hindi na niya kayang pigilan ang nangyayari dahil wala na siyang lakas para itaboy ito. Bumibigay na ang kanyang katawan. At nang haplusin ni Ace ang pisngi niya ay ginatungan lamang nito ang apoy na sinimulan nitong sigaan kanina. Hinalikan siya nito sa noo.

Inakala niyang ganoon lang iyon pero nang maramdaman nitong wala siyang kibo ay hinalikan siya nito sa mga labi. Doon na tuluyang sumiklab ang init sa kanyang kaibuturan. He grabbed his arms and held it tight as she felt her knees trembling. Dahil sa aksiyon niyang iyon ay gumalaw nang may puwersa at rahas ang mga labi ng binata.

Nang ibuka niya ang bibig ay dagling pinasok ng panlasa nito ang kanyang bibig at ginalugad. Umungol siya nang magsalubong ang kani-kanilang mga dila. She tasted him. Doon na nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa matipuno nitong dibdib.

Gumalaw si Ace, ang isang kamay nito'y inabot ang pinto ng kotse sa backseat saka iyon binuksan. Nang mabuksan iyon ay itinulak siya nito papasok sa loob habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Narinig niya ang pagsara ng pinto.

Magkatabi silang umupo at noo'y naging marubrob pa ang kanilang paghahalikan. Hindi na mahagilap ni Sabrina ang kanyang huwesyo nang umalipin na sa kanya ang pagnanasa. Nangyayari na ang kanyang pantasya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon