PASADO alas-dose na ng tanghali bumangon si Sabrina. Labis nang nanghihina ang katawan niya at noon lang siya nakaramdam ang matinding gutom. Isinuot niyang muli ang malaking puting T-shirt saka siya nakapaang lumakad palabas ng kuwarto. Nasa second floor siya ng bahay.
Nakapagtatakang wala siya masyadong makitang kagamitan. Mula roon at natatanaw ang lobby na tanging sala set lang ang gamit. Hindi iyon ang bahay ni Ace, mas malaki iyon at old fashioned. Parang walang nakatira dahil ang sala set ay natatakpan ng puting tela.
Maingat siyang humakbang pababa sa spiral wooden stair. Paglapag niya sa sahig ng ground floor ay nanuot sa ilong niya ang bago ng niluluto. Lalo lamang humilab ang sikmura niya. Hinanap niya ang pinaggalingan ng amoy ulam. Pumasok siya sa nakabukas na pinto kung saan niya nakita si Ace na nakaharap sa kalan at nagluluto. Tanging puting boxer lang ang suot nito. He looks hot and yummy. He looks good enough to eat. Ito na lang ata ang kakainin niya.
She had skip her breakfast, ibang almusal kasi ang ibibigay sa kanya ni Ace. Mukhang naramdaman nito ang presensiya niya. He glanced at her and gave her a mouthwatering smile. She smiled wide as a respond to him. She then tiptoe towards him and embraced him from the back.
"Good morning, handsome!" malambing na bati niya rito.
"It's already afternoon, baby. Hungry?" pagtatama nito."
She giggled. "Hmmmm, yeah." Kumalas siya rito at sinilip ang niluluto nito sa kawali. "What is that?" tanong niya.
"Pepper crabs. May naglako nito sa labas kanina kaya bumili ako. May niluto na akong kanin at chicken tinola," sagot nito.
"Hm, mukhang masarap. Akala ko sa pag-o-opera ka lang ng buto magaling. You're also a cook, how nice was that?" aniya.
He bend his head down to hers and kiss her mouth with passion. Tumugon siya. Pagkatapos ng halik na iyon ay hinango na nito ang niluluto saka inilipat sa bowl ang pepper crabs. Natatakam siya sa hitsura ng crabs na matataba. Naghugas na siya ng kamay dahil gusto niyang magkamay.
Pinaghila siya ni Ace ng silya. Umupo naman siya roon. Talagang ito pa ang naglagay ng pagkain sa plato niya bago ito umupo sa silyang katapat niya. Naantig siya nang ipagtalop pa siya ni Ace ng alimango. How sweet?
Nakailang subo na siya ng pagkain nang maalala ang kakaibang presensiya ng lugar. "Nasaan tayo, Ace? It's not your house, right?" tanong niya.
"Narito tayo sa Calamba Laguna, sa bahay ng Lolo ko. Since he died, ipinamana niya kay Papa ang bahay na ito. Noong namatay naman ang Lola ko, nag-desisyon siya na ibigay na sa amin ng kapatid ko ang rights ng property at bahay. Pero sa ngayon, pinaubaya na ito ng kapatid ko since may asawa na siya. Hindi ko pa naasikaso ang pagpalipat ng buong rights sa pangalan ko," kuwento nito.
"Wow! You're so lucky. Pero mukhang bihira ka nang pumunta rito," aniya.
"Yap, actually ngayon lang ulit since umalis ako ng bansa para mag-aral sa Florida. Sarado lang ito palagi pero minsan ay dumadalaw rito ang Papa ko para maglinis. Dito rin kasi sa Calamba nakalibing ang grandparents ko."
Tatangu-tango siya. Naubos na ang ulam niya kaya pinagtalop ulit siya ni Ace ng alimango. Nakahiwalay ng bowl ang tinolang manok na hinihigop niya. Na-amaze talaga siya kay Ace at ginulat siya nito sa ginawa nitong pag-kidnap sa kanya.
"Almost twenty-four hours na akong narito. Puwede na ba kitang kasuhan ng kidnapping?" natatawang biro niya sa binata.
Natawa si Ace. "Kidnapping, ha? Then, you're the happiest kidnap victim on earth," he said. "Sorry if I scared you," anito.
Malapad siyang ngumiti. "Yes, natakot ako pero habang tumatakbo ang sasakyan at nakagapos ako, walang ibang laman ang isip ko kundi ikaw. But not thinking that you're my kidnapper. I am hoping that you would save me. Kainis, ikaw lang pala. But thank you for doing this, Ace. You don't have an idea how happy I am now." Hindi niya napigil ang mabigat niyang emosyon. "I-I thought, you are avoiding me, kasi hindi mo na ako pinapansin," mangiyak-ngiyak na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/226193267-288-k357809.jpg)