HINDI na muling kinausap ni Sabrina si Hance hanggang magpaalam siya kay Forena. Pagkatapos niyang maghapunan sa office ay dumeretso siya sa bahay. Naabutan niya sa lobby ang Mama niya.
"Kanina pa kita hinihntay, anak," bungad ng kanyang ina.
Nagmano siya rito saka humalik sa pisngi. Malamang pag-uusapan na naman nila ang pagpunta niya sa Florida. Sinabi sa kanya ni Forena kanina na pinaasikaso na raw nito ang passport niya at tourist visa.
Umupo siya sa couch katapat ng kanyang ina. "Ano po ang problema?" tanong niya sa ginang.
"Lalabas na raw bukas si Hance. Ang sabi ni Forena, kapag nai-release na ang passport mo at visa ay magpapa-book kaagad siya ng plane ticket. Saka na kami susunod ni Sam kapag malapit na ang kasal para hindi mapabayaan nang matagal ang kumpanya," sabi nito.
Wala nang interest si Sabrina na pag-usapan ang tungkol sa kasal. Lalo siyang nairita kay Hance. Pero nahihirapan pa rin siyang magdesisyon lalo na't settled na ang lahat. Napaasa na niya ang pamilya ni Hance at ang kanyang kaanak.
"Okay naman na po lahat. Magpahinga na po kayo," aniya. Hindi niya magawang titigan sa mga mata ang kanyang ina dahil siguradong mahalata nito ang discomfort niya. "Matutulog na apo ako," paalam niya.
Tatayo na sana siya ngunit pinigil siya ni Susana. "Please, Sab... let me talk to you," samo nito.
Umayos naman siya nang pagkakaupo saka matamang tumitig sa kanyang ina.
"Hindi ko gusto ang aura mo. I know you're not comfortable. Dahil ba ito sa nangyari kay Hance? Don't worry, temporary lang naman ang amnesia niya. Magiging okay rin siya at babalik sa dati," sabi nito.
Sana nga huwag na siyang bumalik sa dati, hiling ng isip niya. "Okay lang po ako," giit niya.
"No, I know you lied, hija. I'm giving you a chance to make a final decision," Susana said with her sympathy was only for her.
Natuwa naman siya sa sinabi nito. Yeah, mothers knows what is right for their child. "Ma? What are you talking about? You pursued me to marry a man you wanted for me," nagagalak na wika niya.
"I know, hija. But in other case, I pity you. Lalo kitang susuportahan sa desisyon mo kung bibigyan mo ako ng mas malalim na dahilan kung bakit hindi mo magawang mahalin si Hance. Are you in love with someone else, Sabrina?" walang gatol na usig nito sa kanya.
Umaliwalas ang mukha niya. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipagtapat ang katotohanan sa kanyang ina, gayong ramdam niya ang suporta nito. "Ma, yes, I'm in love with someone else but I already lost him because I chose Hance," pagtatapat niya.
Napatda ang ginang. Namilog ang mga mata nito. "Oh, my, dear! You're so poor. Why you didn't bother to tell me about him? Do I know him?" Mangiyak-ngiyak na pilit inaabot ng ginang ang mukha niya.
Lumipat naman siya sa tabi nito. "I'm in love with Ace San Diego, Ma," bunyag niya.
Natutop ng ginang ang bibig nito at napapamulagat. "O my God!"
"Ang totoo, si Ace talaga ang first boyfriend ko. College pa lang kami noong niligawan niya ako, but since ayaw n'yo na mag-boyfriend ako, inilihim namin ang relasyon namin. Nakipag-break ako sa kanya noong umalis siya papuntang Florida para mag-aral ng medisina. And the fact is he's a second cousin of Hance. I kept it just to protect the reputation of one of them and of course, my reputation and for family matter," kuwento niya. Naging emosyonal siya nang maisip niya ang side ni Ace. "Ace did anything to win my attention and we having a secret affair. I just can't stop wanting him until I fall in love with him. He's one of the reasons why I can't learn to love Hance.