Chapter Seven

3.9K 150 10
                                    

HABANG lulan ng kotse si Sabrina ay naalala niya si Sam. Kailangan makausap niya ito at ipaalam ang nangyari sa tseke na tumalbog. Naiinis na siya rito dahil panay ang labas ng pera na hindi iniisip na may pinaglalaanan pala iyon. Palibhasa may access din ito sa bank account ng kumpanya. Hindi manlang ito nagbibigay ng report ng expenses nito. Kani-kanina lang tumawag ang accounting officer na may tumalbog na tseke.

Saktong pipindutin na niya ang nakarehistrong pangalan nito sa cellphone nang umalog ang sasakyan. Napindot pa rin niya ang screen. Nang may nagsalitang boses lalaki ay inilapat niya ang cellphone sa kanyang tainga.

"Please stop releasing money from checking account, Kuya! Wala pang pumapasok na pera from client this month! May tumalbog na tseke!" naha-high blood na sabi niya sa kausap.

"Hello? Anong tseke?" anang pamilyar na boses ng lalaki.

"Ace?!" gulat niyang bigkas. Ganoon nga ba kalakas ang epekto ni Ace sa isip niya at kaagad niyang na-recognize ang boses nito? Baka naman guniguni lang niya iyon.

Sandali niyang tiningnan ang nakarehistrong pangalan sa cellphone ay impit siyang napamura. Shit! Si Ace nga!

"S-Sorry! It's a wrong call!" ibababa na sana niya ang cellphone.

"Sabrina? Is that you?" untag nito.

Nawindang siya. Don't say he also recognized her voice? O baka parehong maganda ang speaker ng phone nila, tipong parang orihinal na boses ang naririnig. Nagkamali siya ng napindot. Nai-phone book niyang pangalan ni Ace ay 'Dr. San Diego' at imbes naman pangalan ni Sam, 'Drunkard' o lasenggo ang naka-phone book. Ganoon kasi ang nakasanayang tawag niya rito noong teenager pa sila. Magkatabi ang mga ito sa list niya.

Holy cow! Magkukunwari pa ba siyang ibang tao?

"Uh... s-sorry hindi ikaw ang dapat kong tawagan. Sorry talaga," sabi niya.

"That's okay. Kinabahan tuloy ako. Akala ko tuloy kapatid ko ang tumawag. Bakit, may problema ba?" anito naman.

Sasabihin sana niyang wala pero huli na, narinig na ni Ace ang problema niya. Bigla siyang nahiya rito. "Uhm, it's about our company. Forget about what I had said. Si kuya dapat ang sinabihan ko niyon," aniya.

"Okay lang. Uh, nakauwi ka na ba? Don't say nagwo-work ka pa sa office."

"Pauwi pa lang ako. Bukas na ako magre-report sa office. Ikaw, naka-duty ka pa rin ba?" sagot niya. Naingganyo na rin siyang kumustahin ito.

"No, I just got home. I'm preparing myself for dinner. Kumain ka na ba, Sab?" pagkuwan ay tanong nito.

"Hindi pa. Sa bahay na ako kakain."

"Okay. Take care na lang. Huwag ka masyadong padala sa stress. Ipagdadasal ko na lang na maaayos na ang problema mo. Goodnight," sabi nito.

Na-shock ang dalaga. Nai-imagine niya kung paano ngumiti si Ace habang sinasabi ang mga katagang iyon. Dahil sa sinabi nitong iyon ay gumaan ang pakiramdam niya. Aksidente lang ang pagtawag niya rito pero who cares? Ito pala ang magpapakalma sa kanya.

"Thank you. Goodnight," sagot niya at tuluyan nang pinutol ang linya.

She felt relief. Hindi na niya tinawagan si Sam.

NAKAHANDA na ang hapunan pagdating ni Sabrina sa kanilang tahanan. Tapos nang kumain ang Mama niya dahil may oras ang pag-inom nito ng gamot. Hindi puwedeng ma-late itong kumain. Kausap nito si Hance sa lobby nang datnan niya.

"You're late, hija! Halos dalawang oras nang naghihintay rito si Hance. Saan ka pa ba pumunta?" palatak ng kanyang ina. Nakaluklok lang ito sa wheel chair.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon