Chapter Two

6.4K 183 11
                                    

DAIG pa ni Ace ang nanalo sa mega lotto nang makapasa siya sa board exam for medicine sa Florida. Sa tulong ng panganay na kapatid ng Papa niya sa Florida ay napadali ang pag-aaral niya ng medisina. Doon na rin siya kumuha ng residency bago magpasyang bumalik sa Pilipinas. Mahigit walong taon din siya sa Florida at tiniis ang hirap at lungkot sa medical school para sa kanyang pangarap. Isang beses sa isang taon lang siya nakakapagbakasyon sa Pilipinas pero hindi nagtatagal. Itinuloy na rin niya ang pag-specialize para maging isang Orthopaedic Surgeon.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pag-aaral, bro?" tanong ni Hance habang magkasalo sila sa hapunan sa mansiyon ng grandparents nito sa Florida.

Nailipat na sa pangalan ni Hance ang rights ng hotel and casino and travel agency na negosyo ng grandparents nito since nagretiro na ang mga ito. Marami nang branches ang hotel nito na nakikipagsabayan na rin sa world market. Napakasuwerte nito pero inamin nito na mas gusto pa rin nitong manatili sa Pilipinas. Katunayan ay mas madalas ito roon.

"I love my life, Hance. Sa pag-aaral umiikot ang mundo ko," sagot niya sa pinsan.

Ngumisi si Hance. "You're boring, man. Wala ka man lang girlfriend," sabi nito.

"We're almost the same situation, Hance. Marami kang dini-date na babae pero hindi mo siniseryoso," buwelta niya.

Pilyong ngumiti si Hance. "Girls are just a wine for me. Pantawid-uhaw," anito pero alam niya nagbibiro lang ito. Alam niya na umaasa pa rin ito na masungkit ang puso ng babaeng matagal na kuno nitong gusto.

He giggled. "Akala ko ba may gusto kang babae na matagal mo nang gustong makuha?" wika niya. "Bakit hindi mo siya suyuin?"

Pilyong ngumit si Hance. "Nice question, bro. Actually, I got her. She already accepted me as her boyfriend," bunyag nito.

"Wow! Congrats! Dapat seryosohin mo na siya," excited na komento niya.

"I will if she will sincerely love me back."

"What do you mean by that?" curious na tanong niya.

"Para kasing napipilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa utang na loob ng pamilya niya sa akin. Nararamdaman ko na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend niya."

"That was ridiculous, cousin. Hindi ko alam na nagiging obsessed ka rin pala sa babae. Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang babaeng 'yon?" aniya.

Ngumisi si Hance. "She's a Filipina. Makikilala mo rin siya balang araw," pa-suspense pang sabi nito.

"Fine. Hanggad ko ang kaligayahan mo."

"Thanks. Cheers!" Sinagi ng baso nito ang baso niya.

Tinapos lang ni Ace ang apat na taong residency sa isang ospital sa Florida bago nagdesisyong sa Pilipinas na ituloy ang kanyang serbisyo. Gusto niyang ma-monitor ang kalusugan ng kanyang ina na survivor ng stoke pero paralisado na.

Nakapagtapos na rin ng pag-aaral ang kapatid niyang babae na si Alexa at isa nang architect. Noong nagbakasyon siya ay natuklasan niya na buntis ang kapatid niya pero hindi ang fiancee nito ang ama kundi ang pinsan ni Franco na si Gaizer. Nadismaya siya dahil para sa kanya ay ideal man si Franco para sa kanyang kapatid. Bagaman arranged marriage ang dapat mangyari, tiwala siya na mamahalin ni Franco si Alexa. Ang kaso, itong kapatid niya ang nagloko at nahulog kay Gaizer.

Sa halip na kagalitan ang kapatid ay pinayuhan niya ito at sinuportahan. Nang makilala niya nang personal si Gaizer ay napawi ang pangamba niya. Naging gago lang ito dahil sa labis na pagmamahal sa kapatid niya. Sige na lang. Present pa rin siya sa kasal ng dalawa. Wala silang magagawa ng Papa niya dahil pinili rin ng kapatid niya si Gaizer.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon