Chapter Eight

3.9K 143 6
                                    

HINDI makapag-focus si Sabrina sa kanyang trabaho. Kahit anong aliw niya sa kanyang sarili ay naiisip pa rin niya si Ace, lalo na ang eksenang namalayan niya nang siya'y mahimasmasan. Inuusig pa rin siya ng init at sarap na naramdaman niya habang nakikipaghalikan siya sa lalaki.

Hindi siya makapaniwala na nawala siya sa huwesyo nang mga sandaling iyon. Napasarap ang tulog niya sa bench at akalain niyang parte lang ng panaginip ang naganap sa kanila ni Ace. Hindi niya namalayan kung paano nagsimula ang lahat, kung sino ba ang naunang naghamon ng halik. Kung siya ang nagsimula, patay na! Hindi niya kakayaning humarap muli kay Ace.

Dahil sa nangyari ay parang binigyan lang niya ang binata ng dahilan para mag-assume na nagnanasa pa rin siya rito, though she admit that her lust for him was still there, hindi puwedeng mag-exist ulit 'yon.

Tinapos lang niya ang huling blood examination saka siya nagpahinga. Ipinasa na niya kay Adriana ang ibang urine specimen. Si Adriana ang kasama niyang medical technologist na naka-duty sa parehong oras.

Umupo siya sa bench katabi ng stainless long table kung saan nakalatag ang mga specimen na tapos nang nai-examine. Nasa tabi niya si Adriana na nakatutok sa microscope.

"Are you alright, Sab? You really look exhausted. Mag-under time ka na kaya," sabi ni Adriana.

Hinihilot niya ang kanyang batok na nangangalay. "I'm fine. Ire-relax ko lang ang batok ko," aniya.

"Take a break, Sab. Mag-leave ka kahit tatlong araw lang," anito.

"No need, day off ko naman sa Friday."

Tumingala siya. Sa kanyang pagtingala ay nakita niya ang CCTV footage na nakatutok sa pinto. Napamata siya nang maisip na posible ring nahagip sila ni Ace ng CCTV kanina habang naghahalikan sa hallway.

Bumalikwas siya nang tayo saka lumabas ng laboratory. May iilang tao na nakaupo sa pinakamalapit na bench, na maaring naghihintay ng laboratory results. Sa pinakadulong bench siya humiga kanina. Sinuri niya ang mga CCTV na naroon. May dalawang nakakabit pero ang isa ay nakatutok sa mismong pinto ng laboratory at ang isa ay sa kanang side ng benches.

Sa kaliwang side ng benches siya pumuwesto kanina at walang nakatutok na CCTV sa bahaging iyon. Nakahinga siya nang maluwag.

Pagkatapos ng duty ni Sabrina ay dumeretso siya sa Dream Circle Realty office. Isang sakay lang ng jeep bago makarating sa opisina. Nasorpresa siya nang madatnang may mga construction worker na gumagawa sa loob ng opisina niya.

Sinalubong kaagad siya ni Centra, ang assistant at secretary niya na nai-refer ni Hance. Dalawang araw pa lamang sa trabaho ang dalaga. Matanda lang ito ng isang taon sa kanya.

"Ano'ng nangyayari rito?" tanong niya sa assistant.

"Pinaumpisahan na po ni Sir Hance ang renovation sa office ninyo, Ma'am. Narito po siya kanina at nagbigay ng instruction sa mga trabahador. Pansamantala po ay mag-o-opisina kayo sa office of the president, since hindi naman po nagre-report regularly si Sir Sam. Naiayos ko na po lahat ng kailangan ninyo," paliwanag ni Centra.

Bumuntong-hininga siya. Talagang seryoso si Hance sa sinabi nito na ire-renovate ang opisina niya. Dumeretso na lamang siya sa opisina na ginagamit ni Sam. Nakabuntot naman sa kanya si Centra.

"Meron na po tayong update tungkol sa bagong clients, Ma'am. Ang bagong bukas na Landsyder executive village ay tinanggap na po ang proposal natin bilang isa sa partnership nila it comes to selling and advertising their units," batid nito.

Pagod siyang umupo sa swivel chair. Pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya. Hindi naman ganoong pressure ang trabaho niya sa kumpanya dahil ang mga tao nila ang nag-aayos ng operasyon. Pero siyempre, bilang isa sa owner, kailangan niyang ma-monitor ang daloy ng operasyon at matugunan ang pangangailangan. Siya ang na-assign sa office related works, habang si Sam naman sa ibang operational matter, like managing their financial needs, releasing checks for agents payment and signing the payroll. Ito ang tumatayong presidente ng kumpanya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon