Chapter 23

3K 146 20
                                    

TATLONG araw na deretso ang duty ni Sabrina sa ospital at madalas ay may overtime siya. Mas gusto niyang mag-stay sa laboratory at magpakaabala. Habang busy kasi siya ay naaaliw siya at kahit papano ay nakakalimutan niya ang problema. Bihira na rin siya kumakain sa cafeteria dahil sa kagustuhan niya na makaiwas kay Ace.

Nag-work naman ang ginagawa niya dahil sa loob ng tatlong araw na duty niya ay hindi pa niya nakikita ang lalaki. Tuluyan na siyang nagpalit ng sim card dahil napapagod na siyang mag-on and off ng kanyang cellphone. Samantalang hindi pa rin siya kinakausap ni Hance. Ayon sa Mama niya, busy raw sa trabaho ang lalaki kaya hindi siya madalaw-dalaw. Kung alam lang ng Mama niya ang dahilan baka makakatikim siya ng katakot-takot na sermon.

Katatapos lang nilang mag-lunch ni Maya sa labas ng ospital at nagdesisyon siyang bumalik na sa laboratory. Nagpaiwan si Maya sa restaurant dahil may hinihintay itong pinsan na gustong makipagkita.

Papasok na siya sa entrance ng ospital nang masalubong niya si Ace na lumabas suot pa ang doctor's coat nito. Siya ang naunang huminto at tumingin sa lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang mamataan siya sa harapan nito may isang dipa ang pagitan. Magkatitig lamang ang kanilang mga mata nang ilang sandali. Sabrina took a deep breath as she felt her heart beat so damn fast.

Bakit ganoon? Kung kailan natagalan niyang huwag isipin ang binata ay tila lalo naman siyang nasabik dito ngayon? Pinagpahinga lang ba ng puso niya ang kanyang utak? Natutukso siyang lapitan ang binata at batiin man lang pero nawindang siya nang si Ace na mismo ang umiwas. Ni hi ni ho, wala siyang narinig mula rito. Nilagpasan lang siya nito.

May ilang minutong tulala si Sabrina at pinakiramdaman ang kanyang sarili. She has to be honest to herself. She can't hide what she really felt for Ace. Ang pag-iwas nito sa kanya ay unti-unting sumusugat sa puso niya. Hindi niya akalaing dadamdamin niya ang ganoong uri ng sakit, na para bang bigung-bigo siya at wasak ang kanyang pride. Hindi ata matanggap ng sistema niya ang nangyayari.

Sinundan niya ng tingin si Ace pero ibang lalaki ang nakita niya. It was Hance, wearing a while polo-shirt and fitted denim pants. May bitbit itong punpon ng puting rosas. Kumurap-kurap siya. Nag-abala pa siyang luminga-linga sa paligid pero hindi na niya makita si Ace. Hanggang sa nakalapit na sa kanya si Hance.

"Hi! Sorry I'm late. I hope you had done your lunch," nakangiting bati ni Hance. "It's for you, sweetie," sabi nito sabay abot sa kanya ng bulaklak.

Tinanggap naman niya ang bulaklak at inamoy. "Thanks. Uhm... bigla ka atang napadalaw rito," aniya.

"I just missed you. Sorry nga pala sa naging asal ko noong nasa Boracay tayo, I-I just out of control," samo nito.

"Ako dapat ang mag-sorry dahil-" Tinakpan ng daliri nito ang bibig niya.

"Forget about it," apela nito at ginawaran ng halik ang kanyang bibig. "I'll pick you here later. Anong oras ang out mo?" anito nang bawiin nito ang bibig mula sa kanya.

"Five o'clock na lang," tugon niya.

"Okay. Bye," paalam nito.

"Bye." Nang makaalis na si Hance ay pumasok na siya sa ospital.

HALOS mayupi ang lata ng soda sa kamay ni Ace habang tinitimpi ang inis. Naroon lang siya sa loob ng kotse niya na nakaparada sa parking lot ng ospital sa gilid ng entrance. Akala niya'y matitiis niya si Sabrina pero hindi dahil heto na naman siya at natatalo ng kanyang obsession. Nanginginig ang laman niya sa gigil nang masaksihan ang eksena nina Hance at Sabrina. Obvious na okay na naman ang mga ito.

Pero hindi niya puwedeng palampasin ang nabasa niyang emosyon sa mga mata ng dalaga kaninang nagkasalubong sila. Ramdam niya ang pananabik sa mukha nito. Lalo lamang umalab ang pagnanasa niya na mabawi ang dalaga at dumating na siya sa point na wala na siyang paki sa mangyayari. Ipipilit niya ang gusto niya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon