Chapter 3

5.4K 180 12
                                    

PAGKATAPOS ng duty ni Ace sa ospital ay dumeretso siya sa West Star Hotel na pag-aari ni Hance. Inimbita siya nito na doon maghapunan. Kararating lang nito mula Florida at sabi nito ay may sasabihin itong mahalaga sa kanya. Pagdating niya sa naturang hotel ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ni Hance. Wala ito roon. Iginiya lang siya ng staff patungo sa private dining room kung saan umano naghihintay si Hance.

Nakahanda na ang mga pagkain sa round table na may bughaw na table cloth terno sa seat cover. Natatanaw na niya ang naghihintay na imported brandy. Nakapuwesto na rin doon si Hance suot ang abuhing tuxedo. Kaagad siyang lumapit dito at hinila ang silyang katapat nito. Nang makaupo na siya ay sinalinan nito ng alak ang baso niya.

"How's your job, Ace?" bungad nitong tanong.

"Okay lang. Mabilis naman akong nakakapag-adjust sa schedule ko," tugon niya. Nagsalin na siya ng pagkain sa plato niya.

"That's good. How about settle down?" usig nito.

Nag-angat siya ng mukha at deretsong tumitig sa kausap. He chuckled.

"Settle down was not my priority now. Gusto ko munang makapag-invest from my own income," aniya.

"You're lucky, man. You got a natural way to put yourself in progress without depending on your parents' wealth."

Ngumisi siya. "Hindi naman ako katulad mo na sadyang mayaman ang pamilya. Kailangan kong magsikap para sa ikauunlad ng sarili ko at maibalik ang sakripisyo ng magulang ko. Marami akong pangarap sa buhay kaya hindi ako basta titigil lang kung sa anong meron ako ngayon."

Bumungisngis si Hance. "Sounds boring. Anyway, ikinasal na pala si Alexa? Bakit hindi ako na-invite?" anito pagkuwan.

"Magulo kasi ang schedule ng kasal nila. Nagulat nga ako noong sinabi ni Papa na ikakasal na ang kapatid ko. Hindi kaagad ako na-inform. Magulo kasi ang sitwasyon. Ang ini-expect kong lalaki na papakasalan niya ay hindi iyon ang nakatuluyan niya," paliwanag niya.

"I heard her story from Tito Abner. But she's lucky. I know a lot about Gaizer Sta. Maria. Magkalaban ang mga businesses namin. Tama ang hula ko noon na makakapag-asawa ng mayaman si Alexa. Though, there's a rumor that Gaizer was an asshole, I think Alexa meant everything to him. Mukhang tumino naman si Gaizer," komento nito.

"You're right. Actually, Gaizer was not my bias. Mas gusto ko ang pinsan niyang si Franco na dapat ay pinakasalan ni Alexa. Ewan ko ba kung ano ang totoong kuwento. Napansin ko naman ang katapatan ni Gaizer kaya nagtiwala na lang ako. May tiwala rin ako sa kapatid ko sa pagpili ng lalaki."

Tumawa nang pagak si Hance. "That's life. I know who Franco is. He's also a nice guy. Okay naman si Gaizer. Isa pa, baka talagang may nakaraan na sila ni Alexa kaya ganoon. True love really exist, cousin," sabi nito.

Ngumiti lamang siya at hindi na nagkomento pa. Nag-focus siya sa pagsubo ng pagkain.

Napansin niya na mas maraming iniinom na alak si Hance kaysa pagsubo ng pagkain. Bihira niya itong nakikitang naglalasing. Napansin din niya ang nakatagong lungkot sa mga mata nito.

"Are you okay?" hindi natimping tanong niya rito.

Bumuntong-hininga ito. "Honestly not. I felt I'm not contented with my life," seryosong wika nito.

Ngumiti siya. Kilalang-kilala na niya si Hance. Bata pa lang ito ay uhaw na ito sa atensiyon ng magulang kaya mas gusto nitong sumama sa mga barkada nito. Alam niya na hindi ito masaya sa buhay nito kahit halos nakukuha nito lahat ng luho. Nag-iisang anak ito at nag-iisa ring apo kaya tiba-tiba ito sa mana. Both side ng parents nito ay angkan ng mga negosyante at politiko.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon