Chapter Eleven (unedited)

4.5K 146 10
                                    

PAGKATAPOS na ng duty ni Ace sa PGH ay saka lamang niya nahawakan ang kanyang cellphone. May tatlong missed calls sa kanya si Hance. May isang linggo rin silang hindi nagkita nito. Sabado na noon at kaya siguro ito tumawag ay para yayain siyang mag-unwind.

Nang lulan na siya ng kanyang kotse ay tinawagan niya si Hance. Nang sumagot ito ay ingay ng mga sasakyan ang unang narinig niya.

"Hey, you called, why?" he asked.

Nawala ang ingay sa kabilang linya. "Yes, Ace! Sorry, I just got inside the hotel. Maingay sa labas. Where are you, bro?" sagot naman ni Hance.

"Kalalabas ko lang ng ospital. Papunta ako ng hospital para sa meeting," aniya.

"Oh, okay. I know you're busy person but I want your ass on the party tomorrow," ani Hance.

Hindi pala ito magba-bar. "Party? Where and what occasion?"

"Bukas ang anniversary party ng West Star Hotel. Don't worry gabi ito gaganapin. Please invite Tito Manuel and Alexa. It's also our family reunion. My grandparents are just arrived yesterday."

Bumuntong-hininga siya. Malas niya dahil may naka-schedule siyang bone surgery bukas sa PGH.

"I'm not sure, bro but I will manage my time. Titiyakin kong makasilip man lang sa party," pagkuwan ay sabi niya.

Tumawa si Hance. "Walang silip-silip cousin. I need you to be there on time, okay? I will wait for you," sabi nito.

Ngumisi siya. "Matutuloy naman siguro ang party kahit wala ako. Ano ba ang special sa party?" aniya.

"It's special, bro. Magpo-propose ako sa girlfriend ko."

"Shit! Are you serious about that?" hindi makapaniwalang untag niya.

"Yeah, I'm pretty sure. You're the one I want to notice this special night in my life."

He chuckled. "What if tinanggihan ka ng girlfriend mo? Sabi mo nga, you're not sure if she's in love with you," hamon niya sa pinsan.

"She doesn't have a choice, bro. She's paid with my soul, she's mine, whatever happen," agresibong sagot ni Hance.

Lalo tuloy siyang na-curious sa girlfriend nito. Napakalaki na kaagad ng expectation niya. Malamang high profile rin ang babae, matalino, business minded at siyempre, maganda at sexy. Ganoon ang mga tipo ng babae na gusto ng pinsan niya.

"Okay, I'll go," sapagkuwan ay sabi niya.

"Good. Thanks, bro."

"No worries. Bye."

"Bye."

Pagkababa ng cellphone ay kaagad siyang nagmaneho. May emergency meeting sa ospital sa Makati kaya nagmadali siyang bumalik dito. Tungkol malamang sa pagbabago ng ilang rules and regulations ang pag-uusapan.

Nahuli na siya ng dating dahil sa buhul-buhol na traffic. Naikuwento na lang sa kanya ni Eliza ang mga naunang paksa. Nabawasan ng staff sa hanay ng mga espesyalista ang ospital kaya magbabago ang routine nilang mga hindi residence doctors. Magkakaroon sila ng broken time sa duty lalo na sa OPD. Nalaman niya na hindi na magdu-duty sa opital si Dr. Sebastian, kaya siya ang papalit dito bilang regular Orthopedic Surgeon na maa-assign sa OPD. Maliban sa pag-ra-round niya sa mga naka-confined na pasyente, siya rin ang isasalang sa mga operasyon.

May ibang Orthopedic Surgeon naman na part-time sa naturang ospital pero may sariling oras ang mga ito at for emergency lang kapag kailangan ng assistant sa maselang operasyon. Mukhang mapapasubo na naman siya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon