NAGTATAKA si Sabrina bakit biglang tumigil ang lalaki sa ginagawa nito. Nagmulat siya ng mga mata. Namataan niya si Hance na tumayo at naglakad patungong round table. Kinuha nito ang baso ng wine saka humakbang palapit sa kanya. Inisang lagok nito ang inumin.
"W-why did you stop?" 'takang tanong niya.
Matalim na titig ang ipinukol sa kanya ni Hance. "Nice question, bitch! Who the hell that guy fucking your mind in the middle of my turn? Holly fuck!" asik nito at naihagis nito ang baso sa salamin.
Nasindak siya sa ginawa nito. Nagkalat sa sahig ang bubog ng salamin at baso. Nangatal ang kalamnan niya dahil sa abot-abot na kaba. What she had done? Napasobra ata ang impluwensiya ni Ace sa utak niya.
"S-sorry..." tanging katagang nanulas sa bibig niya.
Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Hance. Para itong gutom na tigre na anumang sandali ay puwede siyang lapain.
"Get dress and sleep," he said in mild voice. He then walked out.
Kumislot siya nang pabalya nitong isara ang pinto. Naudlot ang kanyang pantasya dahil lang sa pagdulas ng pangalan ni Ace mula sa bibig niya. Yeah, she heard her own voice shouting for Ace's name. Gusto niyang dagukan ang sarili dahil sa nagawa at sa harap pa mismo ni Hance.
Dahil sa nangyari kagabi ay nagdesisyon si Hance na umuwi na sila. Hindi siya nito kinakausap. Magkatabi sila sa upuan sa eroplano pero hindi siya kinikibo. Hanggang sa paglapag nila ng airport. Dapat ay bukas pa sila uuwi pero pina-rebook nito ang ticket nila as special flight dahil ayaw nang tanggapin ng airline company ang urgent re-booking.
Naghiwalay na sila sa airport. Siya naman ay dumeretso na sa bahay nila. Walang tao roon dahil pumasyal kuno ang Mama at tiyahin niya sa bahay ni Sam sa Caloocan. Alas-diyes pa lamang ng umaga. Tumambay siya sa terrace ng kuwarto niya saka nagbukas ng laptop. Nanood siya ng movie sa Youtube.
Nakaupo siya sa couch at ang laptop ay nasa itaas ng mesita. Pumapapak siya ng potato chips na naipuslit pa niya sa baon nila ni Hance. Hawak din niya ang kanyang cellphone at sinasagot ang mensahe ni Maya sa kanyang messenger. Mamaya ay natukso na naman siyang buksan ang mensahe sa kanya ni Ace. Mayroon itong panibagong mensahe na nai-send ng alas-tres ng madaling araw. Tulog na siya ng mga oras na iyon.
Ace:
"It's okay if you ignore my message, at least while you reading it silently, I know that I had crossed your mind. Baby, I feel you here beside me when I'm alone. I feel your touch, your kisses and your warm body against mine. I can sleep now."
Inis na inis siya habang inaalala ang naging epekto ng mensahe sa kanya ni Ace. Yeah, Hance was right, Ace successfully fucked her mind off. Sa inis niya'y tinawagan niya ang lalaki. Nakadalawang dial din siya bago nito sinagot ang tawag.
"Oh, baby, finally, you call! Do you miss me?" sagot nito sa baritonong tinig pero may part sa timbre nito na tila kagigising.
"Miss your fucking ass, Ace!" nangagalaiting bulyaw niya rito.
"Hey! Easy, baby. What's wrong?" tanong pa nito.
"You know what you had done to me last night?" she asked him in full of disappointment. "You're freaking goddamn asshole! Your devil side fucking my mind, asshole!"
"I did? Hey, I don't understand. Can you talk calm, baby?" She heard his grin.
Lalo siyang nabuwisit. "You're crazy, Ace! What do you think are you doing? Hindi mo ba ako titigilan, ha? Naudlot ang napipintong pagtatalik namin ni Hance dahil sa 'yo!" prangkang sabi niya.
Narinig niya ang malutong na pagmura ni Ace, bagay na never niyang narinig. "Put-fuck! Ano naman ang kinalaman ko? Napakalayo ko sa 'yo at umaga na akong nakatulog sa kakahintay ng sagot mo. Hindi na ako pumasok sa ospital dahil wala, I'm going crazy, Sab! Kapag hindi kita nakita ngayong araw baka magpatiwakal na ako! And then sasabihin mo na pumayag kang makipag-sex sa boyfriend mong hindi mo mahal? May sayad ang boyfriend mo, Sab. Stay away from him!" palatak nito.
