Chapter 19 (SPG)

4.7K 174 16
                                    

NAPANSIN ni Sabrina na tahimik si Hance simula nang sunduin siya nito sa ospital. Pinagbigyan niya itong mag-dinner sa bahay ng mga ito. Hindi niya ito kinausap noong nakaraang araw kaya siguro ay nagtatampo rin ito. Hindi niya mahulaan ang takbo ng isip nito habang kasalo niya ito sa hapunan kasama ang mga magulang nito.

Nakabalik na sa Florida ang grandparents nito. Marami na silang napag-usapn ni Forena at ng Daddy ni Hance pero wala pa siyang narinig mula sa binata. Kanina nang sunduin siya nito ay kinumusta lang siya at nagulat siya nang salubungin siya nito ng mainit na halik. Pagkatapos niyon ay wala na itong sinabi.

"Don't worry about us, hija. We can wait for you when you are prepare to marry our son. Just take your time. And about your business, we're willing to help," sabi ni Forena.

"Okay naman po ang business namin ngayon. Naaayos na rin po ang ibang misunderstanding between the management and the real estate owners," aniya.

"But your brother told me that some real estate owners are not following the rules. Gumagawa sila ng sarili nilang payment method. Laking insulto sa inyong mga brokers na bina-bypass ng mga agents. Dapat kayo ang magbibigay ng commission sa mga agent since under sila ng inyong custody."

Bumuntong-hininga siya. Ang alam niya ay naayos na ang problemang iyon. Malamang gumagawa lang ng dahilan si Sam para lalong makuha ang simpatiya ng mga De Silva. Hanggat maari ay ayaw na niyang lumaki pa ang utang na loob nila sa pamilya ni Hance.

"Naayos naman po namin ang problema," sabi na lamang niya.

"Pero kailangan ninyong magtulungang magkapatid. Hindi ba kayo okay ni Sam? Hindi mo raw siya kinakausap," nag-aalalang usisa ng ginang.

Hindi siya nakasagot. Sinulyapan niya si Hance. He glanced at her. His eyes were dark and deep. Mukhang hindi talaga maganda ang mood nito.

"Uhm, simpleng tampuhan lang po ang meron sa amin ni Kuya. Ganoon po talaga kami," matabang ang ngiting sagot niya kay Forena.

"I hope you're feeling good, hija. Matamlay ka kasing tingnan," puna ng ginang.

"I'm good, Tita. Napagod lang ako sa trabaho," aniya.

Pagkatapo ng hapunan ay nagpaalam siya sa pamilya ni Hance. Lulan siya ng kotse ni Hance pauwi sa bahay nila. Napakaseryoso pa rin ng binata. Naiilang naman siyang kausapin ito. Naninibago siya sa aura nito.

"Ano ang nangyari sa inyo ni Sam, Sab?" mamaya ay tanong ni Hance. Deretso lang ang tingin nito sa kalsada.

"Uhm, nagkasagutan lang kami noong gabi pagkatapos ng party sa hotel mo," tugon niya. Ayaw niyang magkuwento ng buong pangyayari kay Hance. Ang nangyari sa kanila ni Sam ay isyu lang nila.

"Did he hurts you?" anito.

"No," mariing tanggi niya.

"Don't lie to me, sweetie. Alam ko na hindi ka basta magtatampo kung hindi ka sinaktan ni Sam," giit nito.

Bumuntong-hininga siya. "Sinampal niya ako pero hindi ako nasaktan," hindi napag-isipang sagot niya.

"Walang sinadyang sampal na hindi nakakasakit, Sab! You hurt that's why you decided to disappear! Hindi ka dapat sinaktan ni Sam kahit may hindi siya nagustuhan sa sinabi mo! Wala siyang karapatang gawin 'yon sa 'yo!" nanggagalaiting bulyaw nito.

Nawindang siya sa naging reaksiyon ng binata. Hindi niya malaman kung matutuwa o matatakot siya. Ayaw niyang mapasama rito ang kapatid niya.

"It's not a big deal, Hance. Kabisado na namin ni Kuya ang isa't-isa. Nasaktan niya ako dahil hindi ko na napigil ang bibig ko at siguro ay nainsulto rin siya. I admit it. Nagpasya akong lumayo muna para maibsan ang sama ng loob ko," paliwanag niya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon