Chapter 6

4.1K 150 9
                                    

GROGGY na umupo sa bench si Sabrina. Daig pa niya ang lasing. Na-drain ata ang lakas niya sa halos tatlong oras na paperwork sa opisina. Pagkatapos ay nag-duty siya sa ospital. Heto siya't lupaypay paglabas niya ng laboratory.

Wala masyadong tao sa labas ng operating room kaya doon siya madalas tumambay. May iilang bench sa tabi ng OR. Katabi naman nito ang linen room. Parang gusto na niyang pumasok sa linen room at magnakaw ng tulog. Pakiramdam niya'y nakalutang siya sa hangin at hindi halos maramdaman ang presensya ng paligid.

Nakakapikit na siya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng OR. Paglingon niya rito ay nakita niya si Ace na lumabas mula roon. Mabuti na lang hindi ito sa direksiyon niya patungo. Tumunog naman ang kanyang cellphone. Tumatawag si Maya. Malamang magyayaya na naman itong mag-snack.

"Hello?" sagot niya.

"Where na you? Malamang nasa mga sulok-sulok ka na naman at umiidlip, ano?" palatak nito.

She sighed. Tumayo siya at nagtungo sa employee's lounge. "Nagpahinga lang ako sandali. Nasa lounge ka ba?" aniya.

"Nope. Papunta pa lang ako. Bumili ako ng snacks natin. Hinanap kita sa laboratory pero wala ka."

"Sige, papunta na rin ako."

"Okay. See you there."

Pagkababa ng cellphone ay binilisan niya ang paghakbang. Alas-tres na ng hapon pero kaunti lang ang nurses na nag-break. Walang tao sa lounge. Karugtong ng lounge ang locker room. Naisip niyang magpalit ng blouse dahil namantsahan ng dugo ang damit niya kanina.

Malalaki ang hakbang niya papasok ng locker room nang bigla siyang mapahinto. "Jesus!" bulalas niya nang maaktuhan niyang naghuhubad ng puting kamiseta si Ace sa tapat ng locker nito.

Nagulat din ang binata pero hindi ito nag-abalang itago ang nahantad na upper body. Sa halip na umiwas ng tingin ay tila na-magnet ang mata ni Sabrina sa katawan ng lalaki. Hitik sa six pack abs ang puson nito at matipuno ang dibdib maging mga braso na may panaka-nakang ugat na nakalitaw. Makinis ang kutis nito na maputi pero naging visible sa paningin niya ang ilang mapipinong balahibo na nakalatag sa ibaba ng puson nito. It was look hot and sexy.

She cleared her throat just to feel relief. Her heart pounding so damn fast, making her tense and uneasy. In just a minute, while looking at her ex-hunky boyfriend, her mind automatically reminiscing the moment that they were together. Mga alaala noon sa panahong inaangkin siya ng sarap na dulot nito sa kanyang pagkababae.

Hindi niya malaman kung paano ilagay sa wastong lugar ang kanyang sarili. Hindi puwedeng mabasa ni Ace kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. She knows him. He has ability to measure the emotions of people around him. He knows what her needs every time they talk or even looking at her closer.

Kaya sa bawat tagpo nila noon ay nahuhulaan nito na nagnanasa siya sa pagkalalaki nito. Bago pa man may nangyaring sexual sa kanila ay naramdaman na niya ang pagnanasang iyon. But this guy gave anything what her body needs. Hindi siya nito binigo. Pinaligaya nito pati ang kanyang kaluluwa... noon.

And what the heck is happening to her right now? Posible kayang mabuhay muli ang pagnanasa niyang iyon kay Ace?

Kumurap-kurap siya nang basagin ni Ace ang katahimikan. "Hey, lady! Are you alright?" tanong nito.

Kumislot siya nang mamalayang nakalapit na pala ito sa kanya. Nakatunghay ito sa kanya habang inaayos ang kasusuot nitong bughaw na T-shirt.

She took a deep breath and gently massaged her nape. Parang aatakihen ata siya ng stroke. Biglang nangalay ang batok niya. Naiilang siyang tumingin nang deretso sa mga mata ng binata. She has to avoid her weaknesses, the way how Ace capturing her eyes and staring at her like a hungry beast.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon