Natapos ang araw na iyon nang tahimik. Taliwas sa kung gaano kagulo ang isip ko at damdamin. Turmoil is building up on my system and anytime I'll be a disaster.
Nang makauwi ako, gusto ko sanang matulog agad. Ngunit di ako dinadalaw ng antok. Tila nananadya pa habang nakahiga ako ngayon sa kama, nagsulputan ang mga alaala. Mga alaalang gusto kong balikan kahit na masakit. Dahil sa mga ala-alang ito, Joya was happy and alive.
........
I was sleeping soundly nang ginulantang ako ng sunod-sunod na pagkatok. Pagbukas ko ng pintuan na naiinis pa dahil kinailangan kong bumangon para mapagbuksan ang kung sinumang walang awa at walang tigil sa pagkatok, bumungad si Joya na may mga dala-dalang gamit sa tabi niya.
Bagahe, kutson na nakafold, unan na malalaki, kumot, at kung ano-ano pa. May teddy bear pa! Saka-
"Good morning neighbor!" Masiglang bati niya na parang hindi niya ako inistorbo sa tulog ko. May hawak-hawak pa siya sa kamay niya na tupperware. Pagkain. Alam ko. Amoy lasagna.
Napalinga ako sa sala sa palapag na iyon. Sarado ang dalawang pintuan ng mga silid na nandoon at mukhang wala 'yong boarder sa ibaba dahil wala akong naririnig na ingay.
"Anong ginagawa mo dito?" Napaatras ako nang pumasok siya sa loob at dumiretso sa mesang naroon katapat ng cushion kung saan ako madalas umupo kapag trip kong tumunganga.
"From now on, housemate na tayo."
Proud niyang sabi."Huh?"
"Kalilipat ko lang. Dito na din ako mag-stay for college days."
"Ahuh." Obvious nga. Unti-unting nagsisink-in sa isip ko ang ibig niyang sabihin.
Okay. Bakante na kasi 'yong dalawang kwarto dito sa ikalawang palapag katabi ng silid inookupa ko. Wow.
"Isn't it surprising? Isn't it amazing?" Excited niyang tanong.
I don't think so. Pero hindi ko na isinatinig iyon. For what? Bahala siya sa gusto niyang gawin. Wala akong pakialam.
Pero simula noon, madalas na siyang tumambay sa room ko, madalas na niya akong yayaing kumain, lumabas, maggrocery, minsan magjogging, minsan mamasyal. Kahit tinatamad ako, she have her ways in pursuading me.
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
General FictionMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...