His voice thundered inside my room.
"Huh?"
"Huh?" Panggagaya niya sa maang na expression ko. I know he's pissed off by the way his jaw tightened and his eyes darkened.
Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagdating lalo na ang galit niya. Nagsasalubong na rin ang mga kilay niya. His hands captured mine after putting the blade on top of my study table.
"Are you trying to kill yourself?" Ngayon ko lang siya nakitang nagalit at ganito kaseryoso. Walang kangiti-ngiti. He's giving me death glares.
"It's not what you think." Rason ko.
"So, ano 'to? Laro lang?" Hindi pa rin siya nakakabawi mula sa pagkabigla kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko to make him calm down.
"I was just trying to cut my palm to feel something-"
"Anong klaseng rason 'yan!?" Naiinis niyang saad. Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. Nang makitang nabigla ako, natigilan siya at mukhang narealize 'yong binitawan niyang salita.
"Sorry for cursing."Napatango lang ako, accepting his apology. "Look." Itinuro ko sa kanya ang asin na nasa study table.
"Para sa'n yan?"
"Ilalagay ko sa sugat."
"That would hurt." Nakangiwing saad niya.
"For an ordinary person. Pero sa akin, I wanted to know. Baka 'di ko maramdaman 'yong hapdi." Paliwanag ko na mukhang naintindihan naman niya.
"You made me worried. Akala ko-"
"I am numb. But not dumb."
Tumango-tango lang siya. He acknowledged my logic but he told me that there must be some other ways aside from cutting myself.
"Don't you ever do this again?"
"So, anong gagawin ko?"
"We'll think of something else."
Pareho kaming natahimik sa mga sumunod na sandali. We are both thinking of other ways to make my logic work while sitting on my couch.
Maya-maya pa ay may ideyang pumasok sa isip ko. It wouldn't be that painful, I guess.
Inilahad ko ang hintuturo ko sa harapan niya."Bakit?" Takang tanong niya, his brows furrowed.
"Kagatin mo."
"What?"
"Kagat." Mas inilapit ko pa sa bibig niya ang daliri ko para makagat niya.
"Sigurado ka?"
"Oo nga."
"Pero-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang ipasok ko sa bibig niya ang dulo ng hintuturo ko. Natigilan siya pero nang tinaasan ko siya ng kilay, urging him to bite my finger, he did.
"It's not painful. Kinakagat mo ba o dinidilaan mo?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila iyon para matanggal ang daliri ko mula sa bibig niya.
"Ang alat. Sure kang di mo 'to pinangkulangot, ha."
"Er." Kunwari nag-isip ako just to tease him. Halos nasamid siya at nangasim ang hitsura nang ma-gets niya ang gusto kong iparating.
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
BeletrieMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...