Kabanata 29

435 181 12
                                    

I might be a beginner and naive to relationships but I know how this kind of conversation goes. Thanks to Joya, I am well informed. With complete examples and illustrations pa. Nagtitigan pa kami ni Paco for about 30 seconds. His hazel eyes seem to lighten up with amusement.


"3 PM. Tomorrow. Goshen." He said before leaving me astounded.

3 PM? Ano yon? Anong meron ng ganoong oras?

Tomorrow? Bakit? Anong meron bukas?
Oh, tapos?

Goshen? Ano 'yon? Is it a place? Saan?


I entered my room, still puzzled about what he said. Ang labo niya sa totoo lang. Hindi ko siya na-gets. Can't he say it in a complete sentence? Bakit fragments lang? Hindi ba siya nakikinig sa English teacher niya noon?


Ang dami kong tanong na hindi ko magawang sagutin. Kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa-basa ng mga Filipino literature na maaaring maisali sa exam. Then, I prepared myself for the night with my usual sleepwear. Wala akong balak matulog. Kaya magrereview  na lang ako hanggang sa mapagod. 


Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagbabasa. The last time I checked, it was already 9 in the morning. Hanep! Ang tindi ng new discovered talent ko! Walang tulugan. When I got up from the couch to get some water, bigla na lang akong natumba.


Darkness enveloped my conciousness. I don't know how long I am asleep. When I woke up in the same place, lying flat on my carpeted floor with my lights on, medyo latag na ang dilim sa labas nang tumingin ako sa may bintana.

This is the second time that I have lost consciousness. Good thing I am inside my room. I think I really need to have my check up done. It's kinda weird na nagpa-pass out ako nang ganoon.

This is not normal. Hindi nga ako nakaramdam ng hilo bago nawalan ng malay. Basta na lang akong nakatulog. Narinig ko ang hagalpakan ng mga tinig na mukhang nagkakatuwaan sa labas sa tapat ng silid ko at ang pagtugtog ng pamilyar na gitara.


"Your turn, bro." Saad ng isang tinig nang huminto ang gitara.

"Hindi ka sinipot ulit? Wala ka ng pag-asa, tol. Itagay natin 'yan."

"Nakatulog yata, bro." Saad ng pamilyar na tinig.

Teka... nag-iinuman ba silaI got curious. So, I went near my window and take a peek. Hindi ko pala ito naisara.

I saw Paco, together with his friends again whom I saw the other day at may isa pang bagong mukha na naidagdag pero hindi ko mabistahan dahil medyo madilim na.

"Ah. Kawawa. Yang ganyang ka-pogi, tinutulugan lang!?" Natatawang pang-aasar nong bagong lalaki.

"Do'n ka na lang kay Michelle." Napatingin si Paco sa direksiyon ko. Nabigla ako at nagtago. But I know it was too late to hide dahil nagtama pa ang mga mata namin. Why does it feel like I have something to apologize?


"Mga tol, kahit sino pa iharap niyo sa akin. Kay Tala pa din ako. My loyalty belongs to her."

"Naks! Humuhusay ka na umenglish ah."

"Malamang pa-impress 'tong loko, gusto ng teacher eh."

"Hindi naman siya gusto." Naghagalpakang muli ang mga kaibigan niya sa pang-aasar sa kanya. Pinilit siyang patugtugin ng gitara at pakantahin. Baka daw sakaling magamot ng ganda ng boses niya 'yong basag niyang puso.


"Para kay Tala."


"Lakas ng tama mo, tol. Pabakuna ka bukas. May libre diyan sa barangay hall." Kahit pa man umani siya ng maraming pang-aasar mula sa mga kaibigan, hindi siya nagpapigil.


I stayed leaning back on the wall as I listened to him. He sang an unfamiliar song dedicating it to Tala he was referring to a while ago.

🎶

Ha! Gusto ko lang naman makausap ka eh
You know, you know, I just wanna talk, huh

Doobi-do-doop, doop, doop, darap, eh

Halos limang oras na akong nag-aantay sa'yo
Nag-aabang ako sa labas ng bahay n'yo
Sipat ng sipat kung sisilip ka ba sa bintana
Magpakita ka'y parang 'di yata

Ilang beses ka nang lagi na lang gan'yan
Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nand'yan
Sa susunod na punta ko'y pagbuksan mo na sana
Kasi kahit anong mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang


Something unfamiliar tugged my heart upon hearing the lyrics of the song. Sinabayan pa ng napakagandang boses niya. What's happening? What's going on? Bakit  parang para sa akin 'yong kanta? Or nag-aassume na naman ba ako? Hindi naman ako si Tala, ah. Baka feeling ko lang 'to. Nadala lang siguro ng kanta at ganda ng boses niya.


I remembered his words last night.
"3 PM. Tomorrow. Goshen."

Did he... did he just ask me out for a date? Ganoon ba magyaya ng date ang mga boys? Walang pasakalye? Hindi malinaw? Parang nagmamadali?


I don't think he asked me out. Wala siyang sinabi. Pero paano nga kung date pala yong sinabi niya? Bakit ngayon ko lang naisip? I bit my bottom lip. Did he wait for me? Dapat kasi ginising niya ako. Malay ko ba?


So, pupunta ka if ever di ka nag-passed out? Tanong ng isang bahagi ng isip ko. Baka hindi. Kasi tinatamad ako. At kung sakaling ginising niya ako, papayag ba ako? Pupunta ba ako?


Dahil hindi ko alam ang sagot, minabuti kong umalis na roon at bumaba. Nasa sala na ako nang masilip mula sa nakabukas na bintana ang ilang kaganapan sa labas. Lumapit ako sa pintuan para lang mapahinto nang marinig ko ang isang tinig.


"Connor! I missed you!" Anang isang malambing na tinig ng babaeng kadarating lang.


"Venus? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Paco. He was already standing, samantalang nakakapit na sa kanya yong babaeng tinawag niyang Venus.


Venus... tunog maganda.  Napaisip tuloy ako kung ano siya ni Paco. 


At kahit na tinatamad, napilitan akong lumayo doon at pumunta sa kusina. Iche-check ko lang kung may pagkain. Saka kukuha na din ng tubig na maiinom.



Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon