Kabanata 27

441 182 27
                                    

"Ah. Ipagpaumanhin mo, Binibini. Magandang umaga!" Nakangiting bati niya nang makabawi  mula sa gulat. Inayos nga niya ang pagdidilig  sa mga halaman. Mukhang patapos na siya sa ginagawa. Pagkasabi niya no'n ay dali-dali akong bumaba para i-check ang mga halaman.


"Lagot na!"


"Kami na lulunod sa kanya!" Sigaw nong isa niyang kaibigan na tinawag niyang Kevin nang itutok yata nito ang waterhose kay Paco.


"What the- bro! Siya, binati mo ng magandang umaga, kami kanina halos palayasin mo agad!" Nagtatampong saad nong isa.


"Angas mo ah, pero tiklop ka pala. Tala lang pala katapat mo. Buset!" Natatawang parinig naman nong isa. Nang makalabas ako at makarating sa mini-garden, medyo basa na ang puting shirt ni Paco. Nagsalita ito pagkatapos iligpit ang waterhose na ginamit.


"Wag mo silang pansinin. Ganyan talaga mga 'yan, kulang sa aruga-"


Napakunot-noo ako nang malutong siyang bumigkas ng "tae!" at dali-daling tinakpan ang mukha ng mga kaibigan gamit ang tag-isang palad niya.


"Mga mata niyo, dudukutin ko. Lumayas na nga kayo." Pagtataboy niya habang itinutulak patalikod at paalis ang mga kaibigan niya.


"Ang baho ng kamay mo, tol!"


"Bro, naman! Hindi kami tititig. Sulyap lang." Natatawang saad ng isa.


"Wala kayong nakita!" Paalala pa niya sa mga kaibigan.


Anong problema ng pakong iyon? Naitanong ko sa sarili.  Nang makalabas sila sa gate ay dinig ko pa rin ang mga reklamo ng kanyang mga kaibigan hanggang sa unti-unting mawala ang tinig ng mga ito.


"Pumasok ka nga! Ako na diyan."
Saad ni Paco mula sa likuran ko sa medyo naiinis na tono nang makabalik na sa bakuran.


Kaya tumuwid ako mula sa pagkakayuko. He didn't meet my eyes. Nakatingin siya sa mga halaman.


"Bakit parang naiinis ka? Ikaw nga 'tong may kasalanan. Look!" Sumbat ko at itinuro ang mga halaman.


"Mumultuhin ka ni Joya pag namatay mga 'to." Pananakot ko sa kanya.


"Sorry na nga. Pero pumasok ka na sabi." Saad niya sa naiinis pa ring tono. "Ako na dito."


"Hoy, Paco! Mas matanda pa rin ako sa'yo kaya huwag mo akong inuutos-utusan ah." Saad ko na ginamit na ang 3 years age gap namin.


"Hoy, Binibini. Kahit mas bata ako sa'yo, hindi ibig sabihin, hindi mo na ako susundin. Tandaan mo, matanda ka lang pero matangkad ako." Bawi niya.

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon