Kabanata 34

411 180 30
                                    

Kita ko ang pagkabigla at panlalaki ng mga mata niya. Bigla siyang napatakip sa harap niya gamit ang dalawang kamay. Napakurap- kurap ako. Wala naman akong nakita. Slight glimpse lang. Seryoso.


Promise! Nabigla din ako. Kaya tumalikod na ako at agad na lumabas na parang may nakakapaso sa loob.


When he came out of the bathroom, nakatapi na ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya. His hair was damp and messy.


Tumutulo pa ang tubig mula doon pababa sa pisngi niya, leeg niya, balikat niyang malapad pala na hindi ko napigilang balikan ng tingin at pagmasdan nang bahagya.


Ngayon ko lang kasi napuna. Bumalik ang tingin ko sa beads of water na tumutulo pababa sa- may abs din pala siya! Ganito pala siya pag wet look. Medyo kakaiba. He looks good and...


Ewan ko.  Parang ang layo sa aura niyang boyish lang at pa-charming. This side of him was more than just being a boy. Something like too manly for my eyes.


So, he's not just a pretty face. Maganda din pala ang katawan niya. He had well-toned muscles, tapos-


"Stop staring." Sita ni Paco na nagpabalik ng katinuan ko. He had this amused look but he's acting like he's annoyed.


"Eh di huwag kang humarang diyan." Bawi ko. Idinaan ko na lang sa kunwaring inis 'yong pagkapahiya ko.


He caught me staring or maybe it looks like I'm ogling at his body. Baka isipin pa nitong naaappreciate ko 'yong ganda ng katawan niya.


"Next time, kumatok ka." Paalala niya na tila naiinis talaga. Siya pa talaga ang mukhang inis gayong ako dapat yong  mainis kasi nakakaeskandalo sa mga mata kong inosente 'yong nabungaran ko sa loob.


"Next time, maglock ka."Saad ko. Alam ko bang nasa loob siya? 


"Malay ko bang papasok ka?" Rason  niya.


"Malay ko bang naka-birthday suit ka?" Balik ko. Sa aming dalawa, mas may kasalanan siya.


"Pa'no mo pa mabubura 'yong nakita mo?" Worried na tanong niya.


Bakit siya nag-aalala sa nakita ko? Kung may nakita man ako. Saka mabubura? Hindi na 'yon mabubura. Wala na. Corrupted na 'yong mata ko! Hays!


Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya at muling naalala ang nakita.


"Wala akong nakita." Tanggi ko.


"Ows?" Di makapaniwalang tanong niya.


"Parang wala nga akong nakita eh. Meron ba?" Saad ko na tila walang pakialam. Kung kaya niyang magkunwari, siyempre sasabayan ko ang trip niya sa buhay. Tumawa lang siya at tumabi na para makadaan ako.


"I hope I didn't scare you because of what you saw." Habol niya nang akma na akong papasok sa loob ng banyo.

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon