Kabanata 5

542 199 31
                                    

As I passed through the hallway to the JHS faculty room, memories kept on playing in my mind.


Nakatingin ako sa mga nadadaanan kong classroom sa kanan. Sa kaliwa naman ay ang mga nakahilerang paper tree kung saan may mga kongkretong upuan sa ilalim nito. And Joya should be with me, walking while talking over anything under the sun. If she was here.


Ang dami naming kalokohang ginawa ni Joya noon kapag naiisipan naming mangtrip. Napangiti ako. Mga trip naming minsan ay kami lang ang nakaka-gets. Mga pranks na minsan, siya lang ang matatawa.


I remember a scene noong di pa kami masyadong close...

...........

"Kain tayo?" Masiglang anyaya ni Goya sa akin na kasalukuyang ngumunguya ng toblerone. Naglalakad kami sa pavement na nalililiman ng mga punongkahoy.

Kanina pa niya nginangatngat yong malaking tsokolate. She even offered me the half portion which I declined politely. I am not that harsh. Wala lang talaga akong gana at interes makipag-friends.

Kakain daw, eh kanina pa siya kumakain.
Hindi ba sasakit ngipin niya diyan? Saka ilang sugar ang content non? Magkadiabetes pa.

"Sige lang." Sabi ko pero hindi papuntang canteen ang ruta ko.

"San ka pupunta?"

"Diyan lang." Tinatamad kong sagot na di na nag-abalang ituro kung saan.

Plano ko kasing magpalipas ng oras sa likod ng Science Building sa may Botanical Garden. May favorite spot ako don kung saan ako malayang makakatulog.

Heto na naman ako sa pinagbabawal na technique. Para-paraan lang. Mainit pa kasi kung sa rooftop ako tatambay.

Oo, confirmed. Ako ang "tambay the great" ng batch namin. Pero di ko gawain ang magcutting class o mag-over the bakod. Nakakatamad kaya. Buwis-buhay para makapaglakwatsa?


And I just found a new place to indulge myself. Sa library kasi lagi akong nasisita ni Mrs. Agdipa, yong school librarian naming descendant ni Ms. Minchin na kapag pinapagalitan ako, feeling ko ako ang reincarnation ni Princess Sarah. 


Mabuti na lang at wala pa akong na-eencounter na Lavinia sa totoong buhay. Baka ako pa manabunot sa kanya kapag nagkataong binully ako. Hayun lang, mukhang magkaka-Becky na sa katauhan ni Goya.


"Di ka kakain?," she asked with curiosity.

"Saka na."

"Bakit?"

"Tinatamad ako."
Yep! Ganito ako. Pati paglamon kinatatamaran kong gawin. Kaya kapag tinawag akong buto't balat, kiber. Okay lang. Di ako pumapatol masyado. Sayang oras, sayang effort. Saka na kapag sinipag ako.

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon