Abala akong nagrereview or rather scanning some of Joya's notes about our field study. Pero hindi naman pumapasok sa utak ko 'yong mga binabasa ko.
Napakaganda talaga ng sulat kamay niya. Minsan nga ginagaya ko iyon kapag nagsusulat ako.
I am able to imitate her penmanship for the first 2 minutes but it gets messy for the next 5 minutes. Kasi tinatamad na ako. Masakit sa kamay. I wonder how she does it easily and naturally.
Naagaw ng pagriring ng cellphone ko ang aking atensiyon mula sa binabasa.
Dionne calling...
I lazily answered my phone and put it on my right ear. Dumapa ako sa kama katabi lang ng mga nagkalat na papel. Ganoon ako kagulo mag-aral.
How am I able to survive? I have Joya before. At ngayong wala na siya, hindi ko lang alam.
"Hoy, binibini! Magparamdam ka naman!"
Agad na bungad niya sa akin. Nailayo ko pa ang cellphone na hawak mula sa taenga sa high pitch niyang tanong. Kung maingay na si Joya, mas maingay ang isang 'to.
"Saka na."
"At kailan 'yang saka na?"
"Kapag patay na. Para makapagparamdam."
"Hintayin mo ako diyan. Ako na sasakal sa'yo." Banta niya.
"Huwag na. Mag-eeffort ka pa. Kaya ko na 'to."
"Pag ikaw nadatnan kong 'di na humihinga diyan, sasakalin talaga kita."
"Ano 'yon? Double dead?"
"Pero siyempre joke lang 'yon." Bawi niya sa mga sinabi. "Oh, ano na? Balita?"
"Sa radyo at TV ka makibalita. Mali ka ng tinawagan."
"Baliw." Natatawang saad niya. Pero bigla ding nagseryoso."Sorry. Wala akong magawa para tulungan ka. I'm grounded. But I'm trying."
Napabuntong hininga kaming pareho.
"It's okay. Ako na ang bahala.""Don't do anything stupid. Naloloka na ako dito, huwag ka nang dumagdag, please. I've got a lot of things to ponder."
"No worries. I can handle myself."
"Talaga? Ano 'tong naririnig kong kailangan mong magpacheck up?"
Napakunot-noo ako kung ano ang ibig niyang sabihin sa tinutukoy nitong pa-check up.
"Huh? Am I sick?"
"Ahy, ewan ko. Katawan mo yan! Baka ramdam ko?" She sarcastically commented.
"Wala akong sakit-"
"Sabi ni Paco ang weird mo daw simula noong lumabas ka ng ospital." Sumbong niya.
"Paanong weird?" And wait! Nakakausap niya si Paco?
"Anong sinabi niya?" Muli kong tanong."Nilaklak mo daw 'yong umuusok na kape!"
"So?"
"So, alien ka! Walang taong nakakagawa non. Balik ka na sa planeta niyo. Hinahanap ka na don, 'te."
Napailing na lang ako na nangingiti.
"I'm fine.""Pa-check up ka nga." Giit pa rin nito.
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
Fiksi UmumMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...