I wake up feeling light the next morning. For the first time after Joya's death, I slept peacefully.
Maybe it has something to do with Paco's soothing voice, the distraction he brought or his mere presence. I don't know.
I decided to get up early and cook breakfast instead. It's only 7 in the morning. Dati-rati ay tulog pa ako ng ganitong oras. Though I cooked breakfast once in a while Joya does it most of the time. I suddenly missed Joya and our brunches together.
Ngayon, may bago akong tagapagluto. And take note, he's not even a close friend. Ngayon ko lang napagtanto, I've been neglecting my duty in buying groceries for the kitchen, including some of my necessities.
I just realized that Paco has been doing it for more than a month already. Ngayon ako tinablan ng hiya. Maybe I'll ask him later how much I'll pay for my share lalo na sa food.
Dinig ko ang pagbukas ng pintuan ni Paco na siyang nagpalingon sa akin. He's half asleep and half-naked at the same time. Kita ko mula sa kusina ang pag-flex ng mga muscles niya upon stretching his arms.
He almost retreats from his steps nang ma-realize na nasa kusina ako, wearing an apron, cooking and preparing for our breakfast.
He looked surprised. Natawa ako nang literal na nanlaki ang medyo singkit niyang mga mata. His lips parted in awe. Medyo groggy pa siya at halatang kababangon. Magulo pa ang buhok niya. So raw and natural.
"Good morning, Paco." I greeted him for the first time.
"Luh! Nananaginip pa yata ako? Nag-goodmorning si Tala sa akin?" Di makapaniwala at mahina niyang bulong ngunit nakaabot sa pandinig ko.
Ikiniling pa niya ang ulo at tinapik ang sariling pisngi. "Heck! Malala na ako. Pati sa hallucination, nagsasalita na siya."
Napailing na lang ako. "Wear something. Kakain na." Utos ko bago binalikan ang prinipritong hotdog. Hinango ko iyon at nagsalang ng sunny side up.
Naramdaman ko ang paglapit ni Paco sa likod ko. Nang lingunin ko siya, nakapagsuot na siya ng gray shirt na v-neck.
"May lagnat ka ba?" Worried na tanong niya, sabay dikit ng palad niya sa noo ko. Sinalat din niya pati leeg ko.
"Is this really you? Sa'n mo tinago si Tala. Ilabas mo."
Niyugyog pa niya ako sa magkabilang balikat kaya mahinang pinukpok ko siya ng hawak na sandok. Dinig ko ang pag-aray niya.
"Oh, gising ka na? I'm good. Maglapag ka na do'n ng plato." Utos ko ulit.
"Epekto ba ito ng pagkanta ko kagabi? Dapat pala haranahin kita araw-gabi." Komento niya habang nag-aayos ng mga plato sa mesa. "O baka naman, gusto mo na din ako?"
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
General FictionMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...