"Did you read the report?"
Bumuntong-hininga ako. I was left with no choice last night. Kaya binuksan ko iyon at binasa. Joya's information was written there. And she's not missing.
She's dead!
I still can't believe it! I don't know how it happened or what went wrong. At mas lalong hindi ako naniniwala sa cause of death na nakalagay sa report!
"Give me 30 minutes." Saad niya bago nagpaalam.
Plano kong puntahan ang pamilya ni Joya sa addresss na nakalagay sa report. Taliwas iyon sa address na inilagay ni Joya sa Registration Form niya sa school. Why would she lie? O kaya siguro ay nakalimutan niyang i-update.
Ayoko ng confirmation. But I wanted to know the truth. Kahit labag sa kalooban ko, gagawin ko. I have to. I need to. But I have this strong sense that she's not dead!
Hindi siya patay. Hindi ako naniniwala sa nakalagay sa report. At patutunayan ko iyon.
Dionne came after an hour. Nakakahiya naman sa 30 minutes niya, no?
Gayunpaman, wala ako sa posisyon para magreklamo. I needed her help.Dionne instructed her driver about the exact place pagkasakay ko sa itim na Ford Expedition niya.
"Magliptint ka nga. Mukha kang bangkay na bumangon sa hukay." Komento niya habang iniaabot sa akin ang maliit na tube glass na may liquid na kulay dark red sa loob. Nang tinignan ko lang iyon ay napilitan siyang buksan iyon at pahiran ang namumutla kong labi.
"I know, mahirap tanggapin. Pero-"
"Not now, please." Tumingin ako sa kabilang direksiyon upang iwasan ang mga mata niya. Ayokong pag-usapan ang bagay na ito sa kahit kanino. Hindi ako iiyak. Ilang beses kong ipinaalala iyan sa sarili ko.
Mukha namang naintindihan niya iyon kaya hindi na siya umimik pa hanggang sa makarating na kami sa Bario Ragsac, Paasa St. pagkatapos ng mahigit tatlong oras. I didn't give a damn about the name of the place.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon habang pumapasok ang sasakyan sa masikip na daanan papunta sa nag-iisang may kalakihang kongkretong bahay na makikita sa gitna ng bukid.
Nakalatag ang malawak na palayan sa paligid nito at kitang kita ang kabundukan sa hangganan nito. Ipinasok ang sasakyan hanggang sa tarangkahan ng bahay na may dalawang palapag ngunit walang bakod. May mga nakahilerang puno ng mahogany na nagsilbing bakod sa paligid.
"Is this the right place, manong?" Tanong ni Dionne nang huminto ito sa may bungad. Kita na ang hardin sa harapan hanggang sa kabilang gilid. Sa kabilang gilid naman ng bahay ay ang garahe kung saan naroon ang itim na SUV.
Pababa na kami nang bumukas ang pintuan ng bahay sa harapan at lumabas ang isang babaeng medyo may katabaan. As I looked at her, hindi ko makita ang pagkakahawig nila ni Joya.
I've never seen her parents in person. Hindi ko naman kasi ugaling tumingin ng mga post niya noon sa fb. But when I checked into her account, halos shared post pala ang mayroon siya.
"Magandang araw po."
"Magandang araw din mga hija. Anong atin?"
Nagpakilala kami ni Dionne nang makalapit. White hairs are visible on her head. Tantiya ko'y nasa early 60's na siya.
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
General FictionMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...