Tik.
Tak.
Tik.
Tak.Dinig ko ang tunog ng paggalaw ng mga kamay ng orasan. Mabuti pa ang oras, lumilipas. Pero ang mga bagay na gumugulo sa isip ko, hindi lumipas at umalis.
Without Joya around, the whole place is empty like an abandoned house. Walang nag-iingay, walang biglang papasok at mambubulabog sa tulog ko, walang magyayayang lumabas para kumain, walang magpapasaya ng araw ko.
Joya has filled half part of my life. And now that she's gone, where would I be? I was left here, all alone, waiting to die and rot?
Nakatitig lang ako sa puting kisame. Thinking of the times na nandiyan pa siya. Isang tawag ko lang, to the rescue na. Isang salita lang, pagbibigyan na ako.
I regret the part where I am not able to return all the favors she has done for me. Ang dami kong sana. Real talk 'yong sinasabi nilang saka mo lang marerealize ang halaga ng isang tao kapag wala na siya.
I loved Joya. I have told her that a lot of times. But I don't think I have made her feel that. Dahil matigas ang ulo ko, pasaway at tamad.
I regret being stubborn and too lazy to care. Bakit kaya si Joya pa? I mean, ang daming masasamang loob sa mundo. Mga drug addicts, smokers, law violators, human traffickers, and many more. Bakit hindi na lang sila? Eh, perhuwisyo lang naman ang dulot nila sa mundo?
Joya believes in God. I almost questioned His existence. Where was He, then, when Joya needs Him? I partially blame God for her death. But the more I think about it carefully. The more I realized my fault.
It was me who put Joya into her death place. It was my laziness and sleepiness. Maybe that's the reason why I am so scared to sleep again. Why my mind refuses to sleep no matter how my body needs it.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala doon at nalulunod sa sari-saring katananungang naglalaro sa isipan ko.
Maya-maya pa ay dinig ko na din ang unti-unting ingay na nagmumula sa mga kapitbahay at sa mga taong nagdaraan sa katapat na kalsada maging ang pagkahol ni Mocha na inaamin kong hindi kagandahan sa pandinig lalo na bilang pampagising sa umaga.
Kagaya ng nagdaang mga gabi, hindi na naman ako nakatulog. Natanggap ako sa job interview noong isang araw. Hindi ko alam kung sadyang mahusay lang talaga akong sumagot at nagdemo o malakas lang talaga ang rekomendasyon ni Sir Ignacio.
Ganoon pa man, mayroon pa akong isang buwan para ihanda ang mga requirements na hinihingi bago ako opisyal na magreport sa school. Yeah. Magtuturo na ako. Para kay Joya. Alang-alang sa pangarap ni Joya.
So, Joya, help me on this one, please...
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
General FictionMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...