"Ha?" Bigla akong natauhan. Tapos na pala silang kumanta samantalang ako ay may hang over pa doon sa lyrics.
"Kako, alis na kami. Pahinga ka, gurl. Natutulala ka." Bilin ni Ivana. Actually, Dionne volunteered to look after me which I refused. Hindi naman ako batang kailangan pang alagaan.
"Will you be okay here? The doctor advised us to be with you at this crucial phase of your situation." Paalala pa niya but I declined her offer. Crucial? Malala na ba ako? Umiling ako.
Ngunit bago sila umalis, nagawa pa nilang makipagharutan kay Paco.
"Connor. Single or may girlfriend?"
"Single. Pero not available."
"Ahyyy. Mga sagot mo, pang-taken. Baka may kuya ka?"
"I have one. He's a lawyer."
"Ahy, atorni. Huwag na. Naka-cross out yan sa checklist ko. Patay tayo diyan. Ayoko sa usapang legal." Tumatawang komento ni Ivana.
"Ang sabihin mo, hindi mo kayang landiin ang mga gano'n kaseryosong nilalang. Hindi sila tinatablan ng alindog mo."
"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape." Sambit nito.
"Anong konek?"
"Gusto mo ng detalyadong explanation?" Hamon ni Ivana kay Dionne. Papalabas na sila ng bahay ngunit nag-aaway na naman.
"No. I changed my mind."
"Akyat na din ako sa taas." Paalam ko kay Paco nang makaalis na sila. Pero bakit pa ako magpapaalam? Ano ko ba siya? Sino ba siya? Wala naman akong balak makasalamuha siya araw-araw. Sa lahat ng naging boarders, maliban kay Joya, siya lang 'yong nakilala at nakausap ko nang pormal. Gayunpaman, wala akong balak makipagkaibigan o makipagchikahan.
Speaking of Joya, I decided to go to her room at doon magstay muna habang hindi pa ako dinadalaw ng antok. Wala na talaga akong maiiyak.
Bumibigat lang ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang lahat. But most of the time, I can't feel the physical pain anymore. Siguro napagod na akong makaramdam ng sakit hanggang sa nasanay na ako. Bago pa ako pumasok, napansin ko si Paco na nakasunod at nakatingin sa akin.
"Yes?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi pa ako nanliligaw, pero yes ka na agad? Pahirapan mo naman ako." Nakangiti at natatawang saad ni Paco. Napakunot-noo ko, processing what do his words mean.
Ah, nagjoke yata siya. Tatawa ba ako?
"Jokes are meant for friends ONLY." I put emphasis on the last word. I hope ma-gets niya kung anong ibig kong sabihin.
"It's fine. I don't intend us to be friends ONLY, anyway." Bawi niya sa pambabara ko.
Hindi ko alam kung may itataas pa ang mga kilay ko. Pero nasa maximum level na ang taas nito. He's weird. We're literally strangers. Dahil bukod sa pangalan, wala na kaming alam tungkol sa isa't-isa.
"Find someone else to bother. WAG AKO." Masungit kong patutsada bago akmang bubuksan ang pintuan ng silid ni Joya ngunit naunahan niya ako sa paghawak sa doorknob.
Nahawakan ko tuloy ang kamay niya. Kaya napatingin ako sa kanya. I caught him looking at me intently.
"What do you want for lunch?" Bigla niyang tanong kaya natameme ako. "Magluluto ako."
BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
General FictionMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...